Yassi Pressman enjoy sa buhay promdi, 'naligo' sa poso Bandera

Yassi Pressman enjoy sa buhay promdi, ‘naligo’ sa poso

Therese Arceo |October 14,2021
share this

Yassi Pressman enjoy sa buhay promdi, ‘naligo’ sa poso

Therese Arceo October 14, 2021 - 04:01 PM

Masayang naliligo ang aktres na si Yassi Pressman sa poso matapos itong manggaling sa pagsu-surf.

ENJOY na enjoy ngayon si Yassi Pressman sa kaniyang buhay probinsya. Kasalukuyang namamalagi ang aktres sa Siargao Island at ninanamnam ang kagandahang taglay ng lugar.

Napukaw rin ang atensyon ng netizens sa video post ng aktres sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang nagbabanlaw ito gamit ang iniigib na tubig ng isang lokal mula sa poso.

All smiles and aktres sa video na tila aliw na aliw sa mga simpleng bagay sa probinsya.

“The simple things! Salamat po da mga kapitbahay na pinayagan ako na mag-rindecsa labas ng bahay nila bago umuwi after magsurf! Hihi. lablab,” saad ng dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yassi Pressman (@yassipressman)

Marami naman sa mga netizens at celebrities ang natuwa dahil walang ka-arte arte ang dalaga kahit na kilala itong aktres.

“Cutie,” comment ni Rhian Ramos.

“It’s really the simple things. This makes me so happy to see you still very down to earth after all these years,” sey ng isang netizen.

“Ay wow sihal @jolansaavedra ang natatanging tagabomba,” hirit naman ni Andi Eigenmann.

Isa si Andi Eigenmann sa mga kilalang personalidad na nananatili na ngayon sa Siargao.

Naging magkaibigan rin sila ng aktres at nagkasama sa hit movie na “Camp Sawi”.

Nitong nakaraang buwan rin ay nagkitang muli ng aktres ang kaibigan kasama ang mga anak nitong sina Ellie, Lilo, at Koa.

Karagdagang ulat: Yassi binisita ang pamilya ni Andi sa Siargao: I love when you see some of your real friends…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending