Yassi binisita ang pamilya ni Andi sa Siargao: I love when you see some of your real friends... Bandera

Yassi binisita ang pamilya ni Andi sa Siargao: I love when you see some of your real friends…

Ervin Santiago |September 30,2021
share this

Yassi binisita ang pamilya ni Andi sa Siargao: I love when you see some of your real friends…

Ervin Santiago September 30, 2021 - 03:07 PM

Yassi Pressman, Andi Eigenmann

SINULIT ng actress-dancer at TV host na si Yassi Pressman ang ilang araw na pagbabakasyon sa isla ng Siargao sa Surigao del Norte.

Bukod sa pagse-surf, mas naging memorable pa ang pagbisita ng dalaga sa napakagandang isla dahil muli silang nagkita at nagkasama ng kaibigang si Andi Eigenmann makalipas ang mahabang panahon.

Tuwang-tuwa ang aktres nang magka-bonding uli sila ni Andi sa bahay nito sa Siargao lalo na nang makita niya ang mga anak nito at ng champion surfer na si Philmar Alipayo.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Yassi ng isang litrato na kuha sa Siargao kung saan kasama nga niya si Andi at ang mga anak nito. Kalung-kalong pa nga niya rito si Lilo.

Aniya sa caption, “I love when you see some of your real friends and years go by but everything just feels like yesterday — Don’t we look like we’re all sisters lang?? LOL. Wuvyu & your beautiful fam @andieigengirl.”

Matagal nang magkaibigan sina Yassi at Andi at una silang nagkatrabaho sa pelikulang “Camp Sawi” noong 2016 at mula nga noon ay napanatili nila ang kanilang friendship.

Talagang in-enjoy ni Yassi ang island life kung saan isa sa nga sa mga naging highlight ng pagbisita niya roon ay ang pag-attend niya sa bonggang surf camp.

Nagbahagi rin siya ng ilang litrato na kuha sa pinuntahan niyang surf camp kasama ang ilang local instructors. Sey niya sa caption, “Just ride the wavvvveeeee. Day 1 of our Surf Camp!! With @mangcarding & @party_sleep.

“For my first day I bought merch na galing sa ‘Pilipinas Surfing’ — sa pagbili at pagsuporta natin sa merch nila, a portion goes straight to our athletes.

“Nahiya man ako suotin dahil akala ko talaga di ako makakatayo HAHA kinuha ko pa rin para kahit papano matulungan natin sila while having fun with this new experience!!!!” pahayag ng dating leading lady ni Coco Martin sa “Ang Probinsyano.”

Sa isa pa niyang IG post, nagkuwento rin ang dalaga tungkol sa mga bagay na nagustuhan niya sa isla. Actually, noong 2019 nag-invest si Yassi sa Mexican-inspired bar sa Siargao, ang Zicatela, dahil talagamg na-in love siya agad sa isla.

Narito ang caption ng aktres sa isa pa niyang IG post about the island, “It’s the early nights. And early mornings. 6am surf sessions. And doggies all around. The simple things.

“The laid back vibe. The friendly island people. The most delicious food. The sunburn on my back. The smell of the sea. And the state of mind that makes me so grateful to be alive.

“Another new love, Siargao,” sabi pa ni Yassi.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending