Neil Arce bumanat sa mga nagsabing tatakbo si Angel sa 2022 kaya laging tumutulong | Bandera

Neil Arce bumanat sa mga nagsabing tatakbo si Angel sa 2022 kaya laging tumutulong

Therese Arceo - October 06, 2021 - 06:38 PM

MAINIT ang pahayag ng film producer na si Neil Arce laban sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon at akusasyon laban sa kaniyang asawa na si Angel Locsin.

Marami kasi ang naglalabasan na kaya lng raw panay ang pagpapaabot mg tulong ng aktres ay dahil nais nitong tumakbo sa darating na eleksyon.

“To those who accused my wife of wanting to run this election just because she extended help to people in need, well.. she’s sitting here in front of me watching tv while corrupt politicians are filing their COCs.

“What do you have to say for yourselves now?” maanghang nitong pahayag sa IG story.

Matatandaang nauna nang itinanggi ng aktres ang balitang balak niyang tumakbo at maging public servant.

Halata rin na wala pa sa plano nito ang pumasok sa magulong mundo ng politika at masaya na sa simpleng pagtulong sa mga kababayang nangangailangan.

“Maglalagay tayo ng senador na karapat-dapat— hindi ako,” sey nito sa talent manager na si Ogie Diaz nang tanungin siya kung tatakbo ba siya bilang senador.

Hindi lang ito ang unang beses na inulan ng intriga ang binansagang “real life Darna” dahil sa mga naging kontribusyon at tulong nito sa mga ordinaryong mamamayan pati na rin sa mga nakasama sa industriya.

Umani rin ito ng batikos dahil sa kaniyang pagiging vocal sa kaniyang political view at pagsita sa maling gawi ng pamahalaan. Pati nga ang kaniyang pisikal na pangangatawan ay hindi pinalagpas ng mga bashers at kahit nga mga opisyal ng gobyerno ay nilait at hinamak ang aktres.

Nananatili namang tahimik at patuloy lang sa paglaban si Angel sa kung ano ang alam niyang tama at makakabuti sa nakararami.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending