Andi masaya sa muling pag-uwi ni Ellie; Jaclyn gusto na rin mamuhay sa probinsya? | Bandera

Andi masaya sa muling pag-uwi ni Ellie; Jaclyn gusto na rin mamuhay sa probinsya?

Therese Arceo |September 28,2021
facebook
share this

Andi masaya sa muling pag-uwi ni Ellie; Jaclyn gusto na rin mamuhay sa probinsya?

Therese Arceo - September 28, 2021 - 04:53 PM

MASAYANG-MASAYA ang dating aktres na si Andi Eigenmann sa muling pagbabalik ng kaniyang panganay na si Ellie sa Siargao.

Matagal rin kasi ang inilagi ni Ellie sa Maynila para makasama at maka-bonding ang daddy nitong si Jake Ejercito.

“Mama feels whole again,” sey nito sa kaniyang Instagram post na may litrato nila ni Ellie kasama sina Lilo at Koa sa dalampasigan.

Halatang halata naman ang pagkamiss ni Andi sa anak niya dahil panay ang post nito sa napakacute na si Ellie.

Dagdag pa nito, isang panibagong chapter ang kaniyang kakaharapin bilang magulang at ito nga ay ang homeschooling.

Muli na kasing magbabalik si Ellie sa pag-aaral at nasa Grade 4 na ito ngayon.

Bagamat mukhang mahirap para kay Ellie ang bumyahe para makasama ang kaniyang daddy dahil nasa Maynila ito, sinusubukan naman niya.

Dagdag pa ni Andi, nais lang nilang maramdaman ni Ellie ang best of both worlds para sa anak and for sure, gagawa at gagawa naman sila ng paraan para mapagaan ang kanilang arrangement kung sakali mang maging mahirap talaga ito sa anak. Ganoon naman lahat ng mga magulang lalo na ang mga ina.

Speaking of ina, mukhang nais na rin ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose ang probinsya life.

Sa post kasi ni Andi ay napa-comment ang beteranang aktres ng “Sarap buhay (heart emoji) pasali?!”

Agad namang nireplyan ni Andi ang kaniyang ina ng “Halika na rito nanay!”

Well, sa panahon ngayon, marami na talaga sa mga artista ang nagnanais na ng mas tahimik na buhay sa probinsya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami na rin sa mga artista ang minabuting manatili sa probinsya dahil bukod sa malayo ito sa maiingay na syudad, mas nakakaramdam sila ng kapayapaan at kaligtasan lalo na’t mataas na naman ang kaso ng COVID-19.

Isa na nga rito ang pamilya nina Chynna Ortaleza na aminadong mas mahal na ngayong ang simpleng buhay sa probinsya kasama ang asawa at mga anak.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending