Aiko nanawagan para sa mga delivery rider: Pabayaan n'yo na lang ang mga malilit na bagay... | Bandera

Aiko nanawagan para sa mga delivery rider: Pabayaan n’yo na lang ang mga malilit na bagay…

Ervin Santiago - September 21, 2021 - 01:25 PM

Aiko Melendez

MAY panawagan ang award-winning Kapuso actress na si Aiko Melendez sa lahat ng Filipino ma mahilig magpa-deliver ng mga supplies online.

Isa si Aiko sa mga kilalang celebrities na aminadong nagpapa-deliver ng mga pagkain at iba pang pangangailangan nila sa bahay sa pamamagitan ng online delivery apps.

Aniya, tulad ng iba, may mga pagkakataong hindi siya satisfied sa mga dumarating na produkto sa kanyang bahay pero sa kabila nito never daw siyang nang-away o nag-report ng nagawang sablay ng mga delivery riders.

Sa kanyang official Facebook page, ibinahagi ni Aiko ang kanyang saloobin hinggil dito kasabay ng pakiusap na mas maging mabait at maunawain sa mga riders.

“Madalas akong magpadeliver sa mga delivery food apps, Like Grab, Lalamove, Toktok at iba pa… minsan me mga deliveries sila sa akin na di ako satisfied,” simulang pahayag ng aktres.

“Pero hindi ako aabot sa oras na icall out ko pa sila. Kasi kung tutuusin unti lang naman ang kinikita nila. Dito pumapasok ung pabayaan nyo nalang ang mga maliit na bagay. 

“Lalo na kapag mas nakakaluwag tayo than them diba. Nahaharap tayo sa isang situation na di naten lahat gusto, Yan ang pandemya.

“Maraming pagkakataon ang dami ko gusto sabihin o share na sinasaloob ko na lang lalo na kung di naman ako umaabot na maghihirap ako sa mga pagkakataon na di ako masaya sa mga maliliit na bagay,” pag-amin pa niya.

“Sa dami ng walang trabaho ngayon wag na tayo dumagdag sa mga reklamo na maaaring maglagay sa tao na mawalan sya ng pinagkakakitaan. 

“Yan ay ako lang naman. Palampasin na ang mga bagay na maliit i-bless naman tayo ni Lord sa mga gawain na ganyan,” sabi pa ng aktres gamit ang hashtag na #AikoLangNamanYan.

Samantala, sa isa pang FB post ni Aiko, muli siyang nagpaalala na triplehin ang pag-iingat laban sa COVID-19 lalo na ang mga taong palaging lumalabas ng bahay.
Nag-alay din siya ng panalangin para sa lahat ng tinamaan ng killer virus.

“Covid 19 Delta and Lambda Variants are now circulating in everyone’s home and communities. With a sad heart but with a strong faith in Almighty God today I kneel down in prayer, asking for a full recovery of those with covid19  & its variants, who are in pain. 

“Lord I’m asking You to protect and cover us with Your mercy and let your grace flow to us.

“Lord, protect and strengthen us, the elderly, homeless, unemployed, sick, frontliners, caregivers and all who are exhausted.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Let us be united in praying for one another. Almighty God bless us, and please put an end to our misery. In Jesus name, we pray. Amen!” sabi pa ng “Prima Donnas” actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending