Bea never tsinek ang cellphone ng mga naging dyowa: Kahit na ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko! Bandera

Bea never tsinek ang cellphone ng mga naging dyowa: Kahit na ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko!

Ervin Santiago |September 15,2021
share this

Bea never tsinek ang cellphone ng mga naging dyowa: Kahit na ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko!

Ervin Santiago September 15, 2021 - 08:47 AM

Bea Alonzo at Dominic Roque

NEVER pinakialaman ng Kapuso actress na si Bea Alonzo ang cellphone ng kanyang ex-boyfriend kahit pa naghihinala na siyang may kinakalantari itong ibang babae.

Nagpaliwanag ang dalaga kung bakit hindi niya tinitingnan nang palihim ang cellphone ng ex-dyowa noong sila pa kahit nararamdaman niyang nagloloko ito.

Natanong si Bea sa guesting niya sa Kapuso comedy show na “The Boobay and Tekla Show” last Sunday kung siya ba ang klase ng girlfriend na pasikretong nagtse-check ng cellphone ng kanyang karelasyon.

“Proud ako diyan. Never akong nag-check ng phone. Never!” mariing pahayag ni Bea kina Boobay at Super Tekla.

Follow-up question ni Boobay sa aktres, “Hindi ikaw yung klase ng babae na tamang hinala?” 

“Hindi. I respect one’s privacy. Feeling ko kasi ‘yung cellphone parang toothbrush,” tugon ng current girlfriend ni Dominic Roque.

Dagdag pa ng dalaga, “Tsaka feeling ko, binibigyan mo lang din lalo ng pasakit ‘yung sarili mo. Kasi kahit na ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko.”

Sey pa ni Bea na hindi siya selosang babae, “Tsaka mamsh, ‘yung totoo, hindi ako selosa. Kahit tanungin niyo ‘yung mga…well ‘yung isang ex… ‘yung ibang exes ko. Ha-hahahaha!”

Sa nasabi ring panayam, sinabi ng aktres na husband material si Dominic pero wala pa raw sa priorities nila ang magpakasal dahil kinikilala pa rin nila ang isa’t isa.

* * *

Excited na talaga ang fans ni Julie Anne San Jose para sa first part ng kanyang “Limitless, A Musical Trilogy” na mapapanood online ngayong Friday, Sept. 17. 

Gumawa pa nga ng countdown ang fans gamit ang hashtags na #LimitlessJAPSInSixDays and LimitlessJAPSInFiveDays para sa papalapit na online show. Dalawang araw nang trending ang #Limitless sa Twitter Philippines.

Kahit si Julie ay hindi na ma-contain ang nararamdamang excitement. Pati ang Asia’s Limitless Star, join din sa countdown via her social media accounts. 

Sa Instagram, may caption na “anim na tulog na lang, #LimitlessMusicalTrilogy na” at “5 days… #LimitlessMusicalTrilogy” ang kanyang mga post.

Sa Biyernes na ang first leg ng “Limitless, A Musical Trilogy” na may temang “Breathe” kaya go na sa  www.gmanetwork.com/synergy para makabili ng ticket!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending