AJ Raval mas hirap sa pagpapakita ng katawan kesa magpatawa sa pelikula Bandera

AJ Raval mas hirap sa pagpapakita ng katawan kesa magpatawa sa pelikula

Reggee Bonoan |September 14,2021
share this

AJ Raval mas hirap sa pagpapakita ng katawan kesa magpatawa sa pelikula

Reggee Bonoan | September 14, 2021 - 02:07 PM

Andrew E at AJ Raval

NA-ON-THE-SPOT ang sexy actress na si AJ Raval tungkol sa tunay nilang relasyon ng kapwa Viva artist at leading man niya sa “Taya” na si Sean de Guzman sa ginanap na zoom mediacon ng bago niyang pelikulang “Shoot! Shoot!” ng Viva Films.

Ang host ng mediacon na si Giselle Sanchez ang nagtanong kay AJ ng, “AJ may tanong ako, ate Giselle mo ako. Kayo na ba ni Sean at kailan pa?”

Nagulat ang dalaga dahil diretso ngayon ang tanong hindi katulad sa mga nakaraan niyang mediacon kaya walang diretsong sagot.

At sa pagkakataong ito ay hindi na nakaiwas pa si AJ, “Grabe naman ‘yung tanong (tawa nang tawa si Giselle). Ate Giselle kami po ni Sean siguro in character lang po kami before kaya sobrang sweet namin. Pero ngayon po wala naman po kaming relationship o commitment. Friends po kami.”

Sundot ni Giselle, “Lumalabas kayo?

“Ngayon po hindi po masyado, ang huling kita po namin pictorial din po ng Taya,” sagot ng dalaga.
Hirit pang tanong sa dalaga, “You talk to each other everyday?”

“Opo, everyday po text bago matulog,” pag-amin ulit ni AJ.

Hiniritan ulit ni Giselle kung si Sean lang ang kinakausap ni AJ ngayon, “Opo, si Sean lang po.”

“Okay. Ha-hahaha! So, alam na,” tumawa pa ring sabi ng beteranang komedyana.

Samantala, natanong si AJ kung saan siya mas nahirapan, sa pagpapa-sexy at pagpapakita ng katawan o sa pagpapatawa?

Comedy kasi ang kuwento ng “Shoot! Shoot!” ni Andrew E at siya ang leading lady ng batikang komedyante kaya natanong kung saan siya mas komportable.

“Sa totoo lang po mas hirap ako sa pagpapa-sexy kasi hindi naman ako ganito talaga sa personal.  Ginagawa ko lang naman ito para sa pelikula. Sa pagpapatawa po madali kasi maloko naman talaga ang sa totoong buhay,” say ni AJ.

Nagpasalamat ang dalaga na napasama siya sa “Shoot! Shoot!” para maiba naman daw ang mapanood sa kanya na hindi lang puro pa-sexy at maipakita niya ang iba pang talent niya sa pag-arte.

Puring-puri naman ni Andrew sina AJ at Sunshine Guimary dahil sobrang bait daw ng mga ito at masunurin pa.

Ang “Shoot! Shoot!” ay mula sa Viva Films na idinirek ni Al Tantay at mapapanood na sa Okt. 8 sa Vivamax.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending