Netizens kinilabutan sa litrato ni Bea at ng lola ni Dominic: Magkamukha nga ba? | Bandera

Netizens kinilabutan sa litrato ni Bea at ng lola ni Dominic: Magkamukha nga ba?

Ervin Santiago |September 13,2021
facebook
share this

Netizens kinilabutan sa litrato ni Bea at ng lola ni Dominic: Magkamukha nga ba?

Ervin Santiago - September 13, 2021 - 11:54 AM

Zeny Tamayo at Dominic Roque

MAY “kilabot” factor para sa ilang netizens ang lumabas na side-by-side photo sa social media ni Bea Alonzo at ng lola ni Dominic Roque na si Zeny Tamayo.

Ayon sa ilang supporters ng celebrity couple, pinatunayan ni Dominic ang matandang kasabihan na karaniwang nai-in love ang mga lalaki sa mga babaeng kamukha o kahawig ng kanilang nanay o lola.

Ito’y dahil nga sa isang Facebook post kung saan makikita ang malaking pagkakahawig ni Bea sa lola ni Dominic na si Zeny Tamayo.

Sa mga hindi pa nakakaalam, si Gng. Zeny ay nanay ng aktres na si Beth Tamayo na naka-base na ngayon sa Amerika.

Kitang-kita sa nasabing mga litrato ang pagiging mestiza ng dalawa at ang halos parehong hugis ng kanilang mukha, ilong at labi.

Sa isa pang Facebook photo na ipinost ng fans na kinuha naman sa IG stories ni Dominic, makikita si Bea kasama si Zeny Tamayo na pinusuan din ng sandamakmak na netizens.

Komento ng ilang fans, isang sign daw ito na baka sina Bea at Dominic na nga ang itinadhana. Sana raw ay sa kasalan na rin mauwi ang relasyon ng magdyowa at dasal nila na si Dominic na nga ang forever ng Kapuso actress.

Kayo ba BANDERA readers, agree ba kayo na pasado ring apo ng lola ni Dominic si Bea? 

* * * 

Wala pang isang taon mula nang ilunsad ang P-pop groups na BINI at BGYO ngunit marami na agad silang tagumpay na naabot kasama ang kanilang fans.

Kamakailan, nagtala ng isang milyong views ang music video ng debut single ng BINI na “Born to Win” na itinampok din sa MTV Asia noong nakaraang buwan, samantalang nag-number one naman sa Next Big Sound chart ng Billboard ang BGYO kasabay ng paglulunsad ng latest single nilang “The Baddest,” na umani na rin ng isang milyong views sa YouTube.

Magkasamang tinahak ng BINI at BGYO ang daan patungo sa mga pangarap nila – mula sa dalawang taong pagiging trainees hanggang sa maging P-pop idol groups. At ngayon, handa na silang gumawa ng marka sa industriya sa paparating na unang joint concert nila at kanya-kanyang debut albums ngayong taon.

Gagawa ng kasaysayan ang BINI at BGYO sa unang sibling concert nilang pinamagatang “One Dream: The BINI x BGYO Concert” na mapapanood sa buong mundo ngayong Nobyembre 6 at 7 sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Bukod sa ito ang kauna-unahang sibling concert sa kasaysayan ng P-pop, ito rin ang unang two-day concert sa Pilipinas na may magkaibang setlist sa magkaibang araw. Sulit na sulit ang mabibiling ticket para sa parehong show dahil siksik ito sa world-class performances mula sa dalawang grupo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa Nov. 6, mapapanood ang performances ng kanya-kanyang grupo, ang collaboration nila sa sari-saring fan-favorite songs, at surprise guest artists. Sa Nov. 7 naman, abangan ang pagsasanib-pwersa ng BINI at BGYO sa iba’t ibang exciting numbers, sub-unit performances, matitinding kantahan, at fan meet sa KTX.PH.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending