Hugot ng RitKen: Ramdam na ramdam namin na hindi n’yo kami iniwan!
Rita Daniela, Ken Chan at Anna Vicente
BUKAS na magkakaalaman kung ano nga ba ang magiging katapusan ng madrama, masalimuot at maaksyong buhay nina Nelson at Mia sa pagtatapos ng Kapuso hit afternoon prime series na “Ang Dalawang Ikaw”.
Promise nina Ken Chan at Rita Daniela na gumaganap nga bilang mag-asawang Nelson at Mia sa kuwento, siguradong ikabibigal ng manonood ang kanilang finale episode.
Sa final week, nagkabati na sina Mia at Beatrice (Anna Vicente) at nagkasundong magtulungan para makatakas kay Mr. Chavez (Dindo Arroyo), na gagawin naman ang lahat para mapatay si Nelson.
Nang makatakas si Mia, muli silang nagkita ni Nelson at ibinalitang siya’y nagdadalang-tao na. Tinangka namang humingi ng tulong si Nelson kay Tyler (Ken) para sagipin si Beatrice ngunit tumanggi ito.
Ang tanonggggggg!!! Mailigtas pa kaya nina Nelson si Beatrice? Sa huli ba’y magkakasundo na rin sina Tyler at Nelson? Yan ang dapat abanga ng manonood sa huling episode ng “Ang Dalawang Ikaw.”
Samantala, natanong naman si Ken kung ano ang realizations niya matapos gawin ang serye, “Perhaps the most important is my experience in handling the condition itself, its complexities, its impact upon the individual experiencing it, its impact on those with whom the individual shares his/her life with.
“To summarize, this has really affected my understanding of Dissociative Identity Disorder and the still prevalent need to increase our community’s understanding and awareness of it. There is still so much more work to be done,” aniya pa.
Nagpasalamat naman si Rita sa lahat ng sumuporta sa programa, “Thank you so much for all of your love and support for our show. Sobrang feel namin ang suporta dahil mula sa umpisa, ramdam na ramdam namin na hindi ninyo kami iniwan.”
Muli namang inanyayahan ni Anna ang mga Kapuso viewers sa finale episode ng “Ang Dalawang Ikaw,” “Napakainit po ng mga eksena sa last week ng serye, ayaw ko po mag-spoil pero baka panahon na para mapatawad na ng viewers si Beatrice.
“Ang dami pong dapat abangan this week, masasagot na po lahat ng mga katanungan ninyo. Matutuldukan na rin po lahat ng kasamaan at mangingibabaw ang pagmamahal,” aniya pa.
Kaya huwag palalampasin ang pagtatapos ng “Ang Dalawang Ikaw” bukas sa GMA Afternoon Prime. Ito’y mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.
* * *
Muling patutunayan ni Kapuso actor Kelvin Miranda ang kanyang husay sa pag-arte sa fresh episode ng award-winning anthology na “Magpakailanman” ngayong Sabado, Sept. 11.
Bibigyang-buhay ni Kelvin ang kwento ni Kim, isang matalino subalit pasaway na iskolar na gagawin ang lahat mai-ahon lang sa kahirapan ang kanyang pamilya. Makakasama rin sa episode sina Rita Avila bilang Nanay Cecilia, Prince Clemente bilang Jun, at Sophia Senoron bilang Marian.
Kahit na pasaway at puno ng kalokohan, naniniwala si Kim na tanging edukasyon lang ang makakatulong sa kanya upang masuportahan ang pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya.
Kung kaya naman kung anu-anong trabaho ang pinasok ni Kim matapos ang high school. Naniniwala rin ang kanyang Nanay Cecilia na mas mabuti na magtrabaho siya sa halip na mag-kolehiyo, bagay na sinasang-ayunan ng kanyang kapatid na si Jun.
Imbes na panghinaan ng loob, nagsumikap si Kim na pagsabayin ang kanyang pag-aaral at pagtatrabaho upang makatulong sa kanyang pamilya.
Abangan ang nakaka-inspire na kwento ni Kim sa fresh episode ng “#MPK” na pinamagatang “Pasaway na Iskolar” ngayong Sabado, 8 p.m., sa GMA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.