Paolo mas nadiin sa pagtatanggol kay Yen: 'Wala ka bang ibang friend? Yung lalakeng friend! Dami mong dahilan!' | Bandera

Paolo mas nadiin sa pagtatanggol kay Yen: ‘Wala ka bang ibang friend? Yung lalakeng friend! Dami mong dahilan!’

Ervin Santiago |September 09,2021
facebook
share this

Paolo mas nadiin sa pagtatanggol kay Yen: ‘Wala ka bang ibang friend? Yung lalakeng friend! Dami mong dahilan!’

Ervin Santiago - September 09, 2021 - 09:21 AM

LJ Reyes, Yen Santos at Paolo Contis

SA halip na makuha ang simpatya ng publiko, mas lalo pang nadiin si Paolo Contis sa inilabas niyang official statement tungkol sa paghihiwalay  nila ni LJ Reyes.

Kagabi, nag-post ng mahabang paliwanag ang Kapuso actor bilang sagot sa mga pahayag ni LJ hinggil sa tunay na estado ng kanilang relasyon, kabilang na riyan ang umano’y pambababae niya.

Isa-isang sinagot ng aktor ang mga malilisyosong akusasyon laban sa kanya, pati na ang chikang may relasyon umano sila ng leading lady niya sa pelikulang “A Faraway Land” na si Yen Santos.

“She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu-ano.

“When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nu’ng issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din. She went there as a friend. Hindi ko naisip na madadamay siya ng ganito. I’m sorry for this,” bahagi ng pahayag ni Paolo na ipinost niya sa Instagram.

Hindi tinanggap ng karamihan sa kanyang IG followers ang tinawag nilang “palusot” ni Paolo. Komento ng netizens, parang mas pinrotektahan pa niya si Yen kesa sa ina ng kanyang anak. Pero ipinagtanggol din naman siya ng kanyang followers at nangakong ipagdarasal na maging maayos na ang lahat sa pamilya niya.

Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa naging paliwanag ni Paolo sa paghihiwalay nila ni LJ kung saan mas nadiin pa ang aktor pati na si Yen kahit pa inabswelto na siya sa third party issue.

“No matter how mad you are at your partner or if things are not working right between you two, you do not go and seek someone else’s company. You sit your a$$ there with your partner and make it right. Because that’s your person. If you can easily go to someone else, you do not love the person you’re with.”

“Kung me delikadesa kasi yang c yen Kahit Anung invite mo d yan pupunta sau kung nabash man sya it is the consequences of her action.”

“Anong friend wala kabang ibang friend?! Yung lalakeng friend! Dami mong dahilan hahahahahaha!” 

“Di ko kinaya yung friends na dikit na dikit sa isat-isa at magkaholding hands pa. Huuuuy! Di kami bulag at shunga para di mahalata ang pinagkaiba ng kaibigan sa karelasyon.

“I think when man do such mistakes in life they will never realize it until everything will slap them in the face with all the consequences that will go with it. But as they said love is the best thing in life and when it’s over it’s the hardest and painful experience that anyone can have. We all go through break up and disappointments in life. 

“We should respect someone privacy in time like this. We never know what happened in close door. Sometimes it’s better to happen early then later in life. People change and also circumstances. Just stay strong and always remember the feeling of the kids and people that effected by your actions in life.”

“Sorry sorry ka kay Lian, gusto mo alagaan si Summer. Eh yung anak mo dun sa una mo? Ano yan? Pero wala inuna mo yung kahinaan mo. Walang babaeng deserve makarelasyon mo. Sisirain mo lang sila.”

“My pa AKI AKI kapa! Pati nga mga pictures ng batang yan sa IG mo DINILETE MO! Pwe!!!! PLASTIC!”

“Maging sentro sana ang Panginoon sayo Paolo para mai-tama mo ng tunay at totoo Ang buhay mo Lalo na ng mga anak mo.”

“Ang gago lang ng statement na inuna pa ipagtanggol yung kabit kesa sa inanakan. Nakakagalit lalo. wag si yen?!?! I cant. Karma will come around. I will pray for LJ and the innocent kids.”

“Palakpakan! the best ang drama. pang award winning Actor!”

“If you truly Love LJ then sundan mo sya sa states. Give up everything para sa kanila. kaya mo bang iwan ang showbiz at makapag focus sa kanila? pray ka nalang Bro!!”

“Parang mas pinrotektahan mo lang si yen mo sa post na to na wag idamay. Kesa kay LJ.”

“Try nyo din po magpa consult sa psychiatrist seryosong suggestion po ito.”
“Wahaahah! NAKAKAIYAK! YUNG KAY SUMMER AKI AND LJ.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sorry is not enough. Parang trademark mo nalang mang-iwan ng mga babaeng mahal na mahal ka.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending