Pokwang napamura sa planong pagbabalik ng face-to-face classes; Aiko, Ogie kumontra rin
Aiko Melendez, Ogie Diqz at Pokwang
NAPAMURA talaga ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang nang mabasa ang suggestion ng Department of Education (DepEd) na subukang mag-face-to-face na ang mga batang nasa kindergarten hanggang Grade 3.
Bukod kay Pokey, kumontra rin sina Aiko Melendez at Ogie Diaz sa planong ito ng DepEd kahit tatlong oras lamang ang itatagal mga bata sa kanilang mga klase.
Ayon sa nasabing mungkahi, 12 lang ang papayagang mag-face-to-face sa kinder, habang sa Grade 1 to 3 ay hindi dapat lumampas sa 16 ang estudyante.
Sa kanyang Facebook page, ni-repost ni Ogie Diaz ang nasabing balita at ibinahagi ang kanyang saloobin hinggil dito.
“Sino ba ang ayaw, di ba? Pero wag kayong pabida. Ipahinga nyo yang idea na yan.
“Wag nyong gawing guinea pig ang mga bata para i-try kung mananatiling negative habang nasa klase.
“Di rin naman siraulo mga parents para isugal ang buhay ng mga anak nila. Mula kinder hanggang grade 3? So ano ang unang ituturo ng mga guro?
“Kung paano manatiling safe during pandemic? Na i-maintain ang social distancing among them?
“Mga bata yan, imposibleng di magdidikitan ang mga yan, lalo na kung na-miss nila ang isa’t isa.
“Sa brilliant idea nyo na yan, sa palagay nyo, aabot sa Grade 4 ang mga bata kung isasapalaran nyo ang buhay nila?
“Ni-lockdown nga ninyo at nawala ang face-to-face classes nung mababa pa lang ang bilang ng mga kaso nung March 2020, tapos, feeling nyo, safe na siya ngayong nagbe-beinte mil ang kaso ARAW-ARAW?
“Ano feeling nyo? Mas matibay ang immune system ng mga bata kesa matatanda ngayong mataas ang kaso?
“Asan ang logic doon? Ituturo din ba ang logic sa kinder hanggang grade 3?” ang kabuuan ng pahayag ng talent manager at vlogger.
Sumang-ayon din dito si Aiko Melendez, “I agree you on this. Mali na ang mga bata ang ifront line nila para lang habulin ung pondo na malalaan again dito.
“Ang dami na namamatay, lalo na ang mga bata wala naman sila vaccine. Naitawid naman na online classes muna ang mga bata bakit di muna pababain ang cases at kapag meron na along the way na vaccine that would be safe sa kids that’s the time na pwede na to.
“Kht ipush ng dep ed yan bilang magulang di ko sasapalaran ang safety ng mga bata,” katwiran pa ng Kapuso actress.
Ni-repost naman ni Pokwang ang FB status ni Ogie kalakip ang kanyang matapang na bwelta sa DepEd, “P*T*NG INA KAYO KAYO NALANG!!!
“Ano ako ulol para ipain ang anak ko sa kabobohang idea na ito? di na oy!!!!” sey ni Pokey.
Comment ng direktor na si Dwein Baltazar sa post ng komedyana, “SOBRANG NAKAKAGALIT MANG!!!!”
Sagot naman sa kanya ni Pokwang, “Kaya nga pinaka walang kwentang magulang kana sa mundo kapag pinayagan mo anak mo sa ganitong sistema poottaahh!!!
“Guinea pig ba mga bata??? testing testing???? bat hindi nalang sila sila mga hinayupak!!!!”
Pahabol pa niya, “Kahit mga pamangkin ko di ko papayagan anak ko pa kaya? Mga anak muna nila testing testing muna nila.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.