Bianca may inamin tungkol sa pag-inom ng kape; RitKen nagulat sa ending ng 'Ang Dalawang Ikaw' | Bandera

Bianca may inamin tungkol sa pag-inom ng kape; RitKen nagulat sa ending ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

Ervin Santiago |September 07,2021
facebook
share this

Bianca may inamin tungkol sa pag-inom ng kape; RitKen nagulat sa ending ng ‘Ang Dalawang Ikaw’

Ervin Santiago - September 07, 2021 - 09:07 AM

Ken Chan, Rita Daniela at Bianca Umali

SIGURADONG ikagugulat daw ng mga manonood ang magiging ending ng hit Kapuso afternoon series na “Ang Dalawang Ikaw”.

Ayon sa lead stars ng serye na sina Ken Chan at Rita Daniela, kailangang abangan ng viewers ang finale week ng programa dahil kahit sila ay na-shock sa mga mangyayari sa mga susunod na episode.

Sa huling apat na araw ng “Ang Dalawang Ikaw” sasagutin na ang lahat ng mga katanungan tungkol sa pagkatao nina Nelson at Tyler (Ken) at kung tuluyan na ba siyang gagaling o mas lalala pa ang kanyang sitwasyon.

Malalagay sa panganib si Mia (Rita) matapos kidnapin ng mga tauhan ni Beatrice (Anna Vicente). Hindi siya titigil hangga’t hindi nawawala sa landas niya ang babaeng kaagaw kay Nelson. 

Ibibigay kaya ni Nelson ang hihingin ni Beatrice kapalit ng buhay ng kanyang misis. Ano kaya ang kahihinatnan ng gagawing hakbang ni Nelson?

Hahayaan niya bang makabalik ang kanyang alter na si Tyler para mailigtas si Mia? At ano ang plano ni Mia kung sakaling hindi makabalik si Tyler sa kanyang orihinal na katauhan at hindi na gumaling sa sakit nitong dissociative identity disorder?

Alamin ang kasagutan sa lahat ng tanong ba yan sa pagtatapos ng “Ang Dalawang Ikaw”, 3:25 p.m., pagkatapos ng “Nagbabagang Luha” sa GMA Afternoon Prime. Ito’y sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Kasama rin sa serye sina Dominic Roco, Jake Vargas, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Ping Medina, Joana Marie Tan, Lianne Valentin, Jeremy Sabido, at mga batikang aktor na sina Sharmaine Arnaiz at Ricardo Cepeda sa espesyal na pagganap.

* * *

“Superhero” ang turing ni Bianca Umali sa kanyang lola na si Mama Vicky na siyang nag-alaga sa kanya mula noong maulila siya.

Nagkuwento ang Kapuso actress tungkol dito sa pagbisita niyasa “The Boobay and Tekla Show” last Sunday. Aniya, ang lola niya ang nag-aruga sa kanya at ang palagi niyang kasama noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

At alam n’yo ba, kung panggising sa marami ang pag-inom ng kape, para kina Bianca at Mama Vicky ito ay pampatulog nila.

Ito raw ang favorite bonding nila ng kanyang lola, “Every 2 a.m., 3 a.m., gigising kami sabay para magkape at kumain ng hopia.”

Pero bakit nga ba aga nilang gumising ng kanyang lola, “Kasi ang coffee sa amin, namana ko sa kanya na kapag uminom kami ng kape, actually nakakaantok siya for us. Hindi kami nagigising so baliktad.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya ‘yon ang date namin. Kapag madaling araw na magkukuwentuhan kami. Mayroon kaming round table sa bahay, kakain kami ng hopia. Favorite namin hopia,” kuwento pa ng “Legal Wives” actress.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending