Osang humingi na ng tawad kay Lorna: Niyakap ko siya, naiyak talaga ako! | Bandera

Osang humingi na ng tawad kay Lorna: Niyakap ko siya, naiyak talaga ako!

Ervin Santiago |September 02,2021
facebook
share this

Osang humingi na ng tawad kay Lorna: Niyakap ko siya, naiyak talaga ako!

Ervin Santiago - September 02, 2021 - 10:42 AM

Rudy Fernandez, Lorna Tolentino at Rosanna Roces

SA wakas, makalipas ang ilang taon nagkabati na rin ang mga award-winning actress na sin Lorna Tolentino at Rosanna Roces.

Mapagkumbabang inamin ni Osang na siya ang unang lumapit kay Lorna at humingi ng tawad nang muling magkita sa taping ng Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano.” 

Kung matatandaan, nagkaroon ng away ang dalawa nang ma-link noon si Rosanna sa yumaong asawa ni Lorna, ang action star na si Rudy Fernandez. 

Nabanggit ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz ang good news na ito sa kanyang  bagong vlog sa YouTube. Pinadalhan daw siya ng message ni Osang tungkol dito na binasa nga niya sa kanyang vlog.

Aniya, personal na lumapit at talagang humingi ng tawad si Osang kay LT  sa mismong set ng “Ang Probinsyano”. Buong-puso naman daw na tinanggap ni Lorna ang sorry ni Osang.

Kaya naman kahit daw ang bida ng serye na si Coco Martin ay tuwang-tuwa nang malaman ang magandang balita. 

“Binati na ako ni LT. Ginawa ko niyakap ko (siya). Tapos sinabi ko, ‘Galit ka pa sa akin?’ Sabi niya, ‘Hindi na, ang tagal na nun.’ 

“Niyakap ko ulit siya sabay sabi ko, ‘Sorry.’ Naiyak ako. Sabi niya, ‘Hayaan mo nasa langit na ‘yung isa,'” ang sabi raw ni Osang kay Ogie.

“Ang gaan sa pakiramdam, mare. Kinawayan niya ako. Tapos umakyat ako sa standby area nila. Doon ako nag-sorry.

“Kahapon magkaeksena kami pero hindi ako nakakuha ng tiyempo. Kanina lang. May nai-close na naman akong pahina,” chika pa ng dating sexy actress.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending