Luis hinamon si Derek: Mag-video call tayo nang hubo't hubad! | Bandera

Luis hinamon si Derek: Mag-video call tayo nang hubo’t hubad!

Therese Arceo |September 01,2021
facebook
share this

Luis hinamon si Derek: Mag-video call tayo nang hubo’t hubad!

Therese Arceo - September 01, 2021 - 04:30 PM

ISANG nakakaaliw na vlog na naman ang inilabas ni Luis Manzano kasama ang wifey na si Jessy Mendiola at kasama pa ang momskt nitong si Vilma Santos at kapatid na si Ryan Recto bilang live audience.

“Ang aking howhow ay gumawa ng isang episode na ‘Questions I’ve Never Asked my Hubby’ so siyempre babaligtarin ko ‘yan, [ang sa akin] ‘Questions I’ve Never Asked my Wifey’.

“So far noong sinagot ko ang mga tanong niya kami pa rin pero ‘pag sinagot niya ang mga tanong ko tignan natin kung kami pa rin,” pabirong intro ni Lucky.

Unang tanong pa lang ay bukayo na si Lucky nang sagutin ni Jessy na ang pinakayaw nitong ugali na tinitiis niya lang ay ‘yung umiihi siya sa shower.

Napa-yuck naman ang momski nito at habang nagpapaliwanag siya ay parang di naniniwala ang sarili nitong ina.

Muli na namang nasaktan si Lucky nang sabihin ni Jessy na ‘manyak’ ang first impression ng asawa sa kanya. Dinig ma dinig rin ang malakas na palakpak na si Momski V pala ang may gawa.

“Alam mo ‘yun. Ilang beses ko ‘tong binanggit sa mga vlogs,” paglilinaw ni Jessy.

“May natitira pa bang respeto sa akin sa sarili kong vlog? Mag-vlog pa kaya ako o hindi kaya lumipat na lang ako sa Antartica para mag-isa ako doon?” kunyaring nagtatampong sabi ng TV host.

“Pero siguro naman hindi totoo kasi pinakasalan nga kita, ‘di ba?” bawi naman ni Jessy.

Kuwento ni Jessy, noon daw kasing nakikita niya ito ay palaging babae ang nasa paligid nito.

Biro naman ni Luis, may paluwagan raw kasi sila at binanggit pa niya ang kaibigang si Anne na pinakamatagal magbigay.

Matagal namang napa-isip si Jessy sa sumunod na tanong ng asawa na kung hindi si Luis ang naging dyowa nito ay sino ang dream boyfriend niya sa showbiz.

“Parang isa nga lang ex ko, eh. Sino ba? Wala eh. Wala akong naiisip pero ang pinaka-close ko, infairness naman sa showbiz, si Derek Ramsay,” sagot ni Jessy.

Tila aware naman si Lucky at parang unofficial bestfriends ang ganap ng dalawa dahil nagpapalitan sila ng mga payo in life.

“So kumbaga, kung may konting chance ng konti, si Derek?” tanong ulit ni Luis.

“Hindi. Hindi pa rin,” natatawang sagot ni Jessy.

Tila proud naman si Lucky sa sagot ni Jessy at hinamon pa si Derek.

“Derek, ganito na lang. Paano ko sasabihin to na hindi mayabang? Derek mag-send ka sa ‘kin ng picture ng abs mo. Mag-video call tayo ng hubo’t hubad.

“Sinasabi ko sa’yo, ipagtabi ang katawan natin, magmumukha kang may sakit sa akin. Magmumukha kang wala sa kondisyon,” pabirong hamon ni Lucky sa kapwa artista.

Marami namang mga netizens ang naaliw sa vlog ng mag-asawa at inamin na malaki silang tulong sa pag-alis ng stress ngayong pandemic.

Marami rin naman ang nag-aabang ng video call nina Derek at Luis dahil paniguradong laugh trip daw ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mangyari kaya ito? Kumasa kaya si Derek sa hamon ni Luis?

Maganda rin sigurong content na collab ng dalawa kahit through video interview lang kung saan pag-uusapan nila ang buhay mag-asawa since engaged at may plan na rin na magpakasal sina Derek at Ellen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending