Ogie sa secret wedding daw ng LizQuen: Totoo ba ‘to? Ako ‘yung manager hindi ko alam?! | Bandera

Ogie sa secret wedding daw ng LizQuen: Totoo ba ‘to? Ako ‘yung manager hindi ko alam?!

Reggee Bonoan |August 30,2021
facebook
share this

Ogie sa secret wedding daw ng LizQuen: Totoo ba ‘to? Ako ‘yung manager hindi ko alam?!

Reggee Bonoan - August 30, 2021 - 04:28 PM

Liza Soberano, Ogie Diaz at Enrique Gil

INAMIN ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz na kinabahan siya nang i-tag ng mga LizQuen fans tungkol sa suot na identical rings ng aktres at ng boyfriend nitong si Enrique Gil.

Ito ang topic nila nina Mama Loi at Tita Jegs sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel na in-upload nitong Lunes ng madaling araw.

“Sabi ko, ‘totoo ba ‘to? Bakit walang sinasabi sa akin si Liza?’ Ako ‘yung manager hindi ko alam? Kaya dali-dali akong nag-text kay Liza.

“Kasi ako bilang manager, ayaw ko nang naiiwan ako sa balita, ayaw ko nang nahuhuli ako sa balita. Hindi dahil isa akong reporter o taga-media kundi bilang manager dapat alam ko lahat ang nangyayari sa talent ko.

“Alam naman ni Liza ‘yan na ayaw ko lang ng the last one to know.  Kasi medyo hurting ‘yun na parang, ‘ano ba ‘yan sila alam na, ako na lang ang hindi pa?’” katwiran ni Ogie.

At tinext nga nito ang aktres, “’Nak, ano ba ‘to? Binasa ko kay Liza ‘yung mga comment na may bilog ‘yung singsing. Sabi ni Liza, ‘parehong kanan po ‘yan. ‘Yung accessory na suot ko na galing kay Tito Perry (stylist), ‘yung ring po ni Quen kanya po ‘yun.

“Kaya sabi ko kay Liza, ‘alam mo naman ako anak, puwede mo naman akong lihiman.  Basta ‘wag lang ako ‘yung last one to know’. Ang sabi ni Liza, ‘no problem po, malalaman n’yo po kung sakali.’”

Ang paliwanag naman ni Mama Loi, “Kasi nasa kanan. Ang tradisyunal kapag wedding ring, left hand finger ‘yun nilalagay. Kasi may paniniwala na may ugat na nakakunekta diyan sa puso.”

Dagdag pa ni Ogie, “Yun po ‘yung paglilinaw.  At ang daming positive (comments) na sobra silang excited, sobra silang happy for LizQuen, so ibig sabihin Loi ay lahat naman talaga ay rooting for Quen and rooting for Liza sa isa’t isa, di ba? Hindi naman natin maiaalis ‘yun at kahit ako hindi ko ma-imagine si Liza na mapupunta sa iba or magkakagusto sa iba.”

Balik-tanong ni Mama Loi kay Ogie, “Pero ‘Nay kung sakaling totoong wedding ring at nag-secret marriage ‘yung dalawa anong masasabi mo?”

“Kung secret marriage man ‘yan dapat malalaman ko rin. Saka nasa wastong gulang na sila pero ang alam ko kasi mayroon pa silang goal o pangarap. Ang importante, e, sila pa rin.

“Challenging nga sa akin, eh kasi kahit hindi pa kayo kasal, pinatutunayan n’yo kung gaano ninyo kamahal ang isa’t isa.  Kaya Liza and Quen, huwag n’yo naman akong panerbyusin,” ang malambing na sabi ng manager ng dalaga.

“Ninerbyos ka talaga,” tanong ni Mama Loi.

“Oo, siyempre (sabay tingin sa taas), baka naman puwedeng pagsapit na lang ng 25 (ni Liza).  Pero siyempre at the end of the day ay nasa wastong taong gulang na sila para mag-decide para sa kanilang sarili at para sa kanilang happiness,” sagot ni Ogie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

At sa sinabing edad 25 sana magpakasal si Liza ay dalawang taon na lang iyon dahil 23 na ngayon ang aktres bagay na pinaghahandaan na ng manager niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending