Payag ka ba na bakunado lang ang pwedeng manood kapag nagbukas na uli ang mga sinehan?
Liza Dino
SA ginanap na zoom mediacon ng Film Development Council of the Philippines headed by Chairperson and CEO Liza Dino, para sa selebrasyon ng Philippine Film Industry Month ay napag-usapan ang pagtatrabaho sa entertainment industry under new normal.
Nabanggit ni Ms. Liza na puwede na uling mag-taping at mag-shooting dahil isinailalim na sa modified enhanced community quarantine na ang ilang lugar sa Metro Manila at kailangan daw nakapagparehistro ang lahat ng productions para kung magkaroon ng problema ay alam nila at magagawan agad ng paraan.
“The best way for us to conduct the production shoot safety is to work with government lalo na ngayong pandemya. Hindi talaga tayo puwedeng kumikilos ng kanya-kanya.
“Kasi once something happens inside the production ang unang takbo naman natin is gobyerno para makipag-coordinate para magbigay ng support and to make sure that everyone is protected.
“Sana huwag nating makita sa inspections or pinupulis tayo o makita natin na pinapakialaman itong ginagawa namin, no! It’s for everyone’s safety, you know if there’s one thing that I will highlight doon sa naging coordination namin with the filmmaking production is because they’re so willing to coordinate with FDCP, with DOLE and Baguio City LGU.
“Nagkaroon ng miscommunication because nagkaroon ng third party in between the Baguio City and the filmmaking productions but in terms of the protocol in place by the filmmaking and then ‘yung side ng Baguio City, nagkaroon ng kung baga whether may lapses or wala, hindi mo talaga maiiwasan ‘yan. Aminin natin in the ideal world sana masusunod lahat ng protocols.
“Pero pag nandoon ka na sa set na alam mong meron at merong mangyayaring magtatanggal ng mask, merong lapses na mangyayari but if we work with our safety officers and if we work with the LGU’s halimbawa kailangang madagdagan ang crew, ‘yun mga ganu’n klaseng unforeseeable or unpredictable circumstances magagawan at magagawan ng paraan.
“So nothing is safe right now, alam natin ‘yan. May protocols tayo pero lahat ‘yan tine-test natin lagi so we have to work together. Sa akin ‘yun ‘yung sana we can engage sa lahat ng productions natin.
“There’s no harm in registering your production sa FDCP or DOLE kasi kapag may nangyari, iba kasi kapag ‘registered kami, alam ng gobyerno ng LGU ang ginagawa namin’. May safety net ka ro’n,” mahabang paliwanag ng hepe ng FDCP.
Dagdag pa niya, “Unfortunately marami po (hindi nakarehistro), but you know we continuously campaign and offer FDCP support sa mga productions po natin because the intention is to help, the intention is to assist.
“Kami po ang sumusulat sa lahat ng LGU kapag halimbawa may interzonal movement at bawal. Papasok kayo at lalabas kayo ng Maynila na kailangan n’yong mag-shoot sa Pampanga or saan-saan mang lugar na kailangan ninyong pumasok doon.
“Ang FDCP po ang nakikipag-ugnayan sa mga LGU’s para meron kayong permiso at matanggap kayo o makalagpas kayo sa mga checkpoints, that’s the goal of the FDCP,” paliwanag pa niya.
Samantala, nabanggit din ni Chair Liza na isa siya sa nagsusulong na kapag nagbukas na ang mga sinehan ay dapat fully vaccinated lahat ang maaaring makapanood bukod pa sa two seats apart para na rin sa kaligtasan ng lahat. Hintayin na lamang daw ang anunsyo ng Department of Health tungkol dito.
May mga sang-ayon sa panukalang ito pero meron ding kumokontra. Kayo ba, payag ba kayong mga bakunado lamang ang payagang manood kapag nagbukas na uli ang mga sinehan?
Anyway, magsisimula ang Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre 1 at maraming mga pelikulang mapapanood sa FDCP channel na puwedeng magpa-rehistro para ma-avail lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.