Bagong Covid-19 cases, papalo ng 20,000 bawat araw -- DOH-FASSTER | Bandera

Bagong Covid-19 cases, papalo ng 20,000 bawat araw — DOH-FASSTER

Jake J. Maderazo |
Wag Kang Pikon -
August 20, 2021 - 06:07 PM

MECQ na sa Meto Manila, Laguna at Bataan simula Sabado, August 21 hanggang August 31, ayon sa desisyon ng IATF. Ibig sabihin, walang ayuda mula sa national government  at magpapatupad na lang ng mga “granular lockdowns” sa mga lugar na maraming positibo.

Bumababa na ang mga bagong infections sa NCR sa tatlong linggong paghihigpit , na isang linggong preparasyon bago nag-ECQ (August 6-20). Ang tunay na epekto ay makikita sa susunod na dalawa pang linggo. Pero, pataas pa rin ang mga numero  Central Visayas, Western Visayas,  Central Luzon at Mindanao.

Sa totoo , nakakatakot  lumabas lalot 14,895 new cases ang nireport ng DOH kahapon at ang active cases natin ay 111,720.  Gayunman, mas mababa tayo  kaysa Indonesia (343k) , Malaysia (254k)  Thailand (207k) , Vietnam (180k) at maging Japan (165k)

Kapansin-pansin din ang pagtatalo ng mga health experts sa COVID-19 statistics.  Ang Disease surveillance  team ng DOH, na FASSTER, ang siyang nagrekomenda sa Malakanyang na magpatupad agad ng panibagong lockdown.  Kung hindi raw nag-ECQ , aabot tayo  sa 50,000 hanggang 100,000 new cases bawat araw nitong katapusan. Ang worst case scenario ay 525,000 active cases sa  September 30.

Ang Octa Research na  nagdeklarang “officially in a surge” daw ang Metro Manila  ang nanghikayat sa  gobeyrno  ng “circuit breaking  lockdown” laban sa  Delta. Gamit nila ang “projection modelling” ng COVID-19 reproduction number na kinukuha sa “data” sa gobyerno.

Mainit ang pagtatalo ng dalawang ito, FASSTER ng DOH at OCTA research na paboritong i-cover ng media. Pero sa bangayang ganito,  mabibisto nating taumbayan kung sino sa kanila ang mas dapat paniwalaan.

Subalit, ang malaking tanong pa rin. Ano ang sitwasyon sa NCR?  Ayon sa DOH data, bumaba sa 2,946 ang new cases   (August 18) mula sa pinakamataas na 4,244 (August 9). Gayunman, naniniwala ang DOH na magpapatuloy ang pagtaas sa iba pang rehiyon at posibleng umabot ng 20,000 new cases araw araw .

Sa isyu ng bakuna sa Metro Manila, pagsapit ng Agosto 31, inaasahang 50 porsyento o kalahati ng “eligible adult population” dito ay “fully vaccinated” na . Sa ngayon, 41 percent pa lamang , pero mabilis ang mga LGU, 178,000 average araw-araw at umabot pa 231,000 sa isang araw.

Sa buong bansa, inaasahang 30M katao na ang ang bakunado sa katapusan at  15M katao dito ay “fully vaccinated”.  Mukhang maganda naman ang suplay ng bakuna dahil parating bukas ang 3M (Sinovac), 582k (Astrazeneca) at donasyong  Sinopharm (732k).

Sa totoo lang, tuluy-tuloy na bakuna lalo na sa mga “vulnerables” sa bawat pamilyang Pilipino ang solusyon at unahin ang mga  senior citizens, mga kabataang may mga karamdaman at may katabaan. Sila ang ating mahal sa buhay na unang nahahawa at pinapatay ng  pandemyang ito. Kaya naman, obligasyon nating sundin ang “minimum health protocols” hindi para sa ating sarili kundi para sa ating mahihinang kaanak.  Hindi lamang ito sa Metro Manila kundi maging sa bawat sulok ng ating bansa.  Itanim natin sa utak iyan.

HANAPIN AT GISAHIN SI RESIGNED DBM PROCUREMENT OIC LLOYD CHRISTOPHER LAO.

Interesado akong marinig si Usec Lloyd Christopher Lao, nagresign na pinuno ng procurement service ng Department of Budget and Management (DBM) na ngayon ay nabanggit sa Senate Blue Ribbon Committee hearing kaugnay ng “overpriced face masks” at “face shields”.

Pinabulaanan ni Sen. Bong Go na naging “aide” niya si  Lao na isa umanong  “volunteer lawyer” ni Presidente noong eleksyon na na-appoint sa PMS at sa HLURB bago napunta sa DBM.  Ayon kay Go, pabor siyang ipatawag si Lao sa mga susunod na pagdinig at busisisiin nang  husto ang mga  nabalitang mga corruption sa PS-DBM.

Nabanggit din ang pangalan nitong  Usec Lao sa nakaraang imbestigasyon ni dating Senador Gringo Honasan sa P15.5B  na “combat management systems” para sa dalawang “frigates” ng Philippine Navy.

Ito ring si Usec Lao ang nagbulgar din ng Omnibus Bio-Medical systems” ng mag-asawang negosyante at  “exclusive distributor” ng mga COVID testing kits at iba pang anti-COVID medical items. Naalala kong pinagmumura ni Presidente ang kumpanya ng magasawa at pinaimbestigahan sa NBI.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bakit kaya siya nag-resign noong June?

Abangan!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending