Isang fandom bitter sa balik-tambalan ni Coco at Julia; Magda tuloy ang paghihiganti sa pamilya Narciso Bandera

Isang fandom bitter sa balik-tambalan ni Coco at Julia; Magda tuloy ang paghihiganti sa pamilya Narciso

Reggee Bonoan |July 30,2021
share this

Isang fandom bitter sa balik-tambalan ni Coco at Julia; Magda tuloy ang paghihiganti sa pamilya Narciso

Reggee Bonoan | July 30, 2021 - 06:52 PM

Hindi na namin babanggitin kung anong group of fans ang gumagawa ng plano para siraan ang balik-tambalan nina Coco Martin at Julia Montes sa pagsasama nila ngayon sa “FPJ’s Ang Probinsyano” dahil hindi sila pabor.

Nagtataka naman kami dahil bakit hindi matanggap ng grupong ito na sina Coco at Julia talaga ang reel and real love team at hindi naman na nila ito itinatago na dahil magkasama silang dalawa lang na nagbakasyon sa Boracay earlier this year, hindi pa ba malinaw iyon?

Sana itong grupo ng fans ay maging masaya na lang tutal naman ‘yung idolo nila ay masaya rin sa iba nitong karelasyon at irespeto nila kung sino ang bagong leading lady ngayon ni Cardo Dalisay.

Anyway, grabe trending si Julia Montes ngayon sa ginanap na storycon niya kasama sina Coco, ibang cast, dirk Malu Sevilla, Dreamscape executives at kanya-kanyang post na ang loyalistang fans nila ni Coco at sinabing super fresh ngayon ang aktres.

* * *

Paghihiganti sa mga kaaway ang nag-iisang pakay ni Magda (Erich Gonzales) sa paglaya niya mula sa kulungan sa teleseryeng “La Vida Lena,” na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Lumuwas na patungong Maynila si Magda para buhayin ang kasunduan nila ng dating ka-selda na si Ramona (Janice De Belen), isang dating cosmetic surgeon na may krusada ring maghiganti sa makapangyarihang pamilya Narciso na kinabibilangan ni Vanessa (Agot Isidro).

Magkatulad ang naging kapalaran ng dalawa dahil gaya ni Magda, nagdusa rin si Ramona sa kamay ng mga Narciso. Kinasuhan, pinakulong, at pinapatay ang hindi pa niya naisisilang na anak.

Kahit naman ang sabong naimbento niya ang nagdulot ng hinagpis sa kanya, ibabalik ni Magda ang Magda’s Magic Soap para kalabanin ang mga produkto ng Royal Wellness, ang kumpanya ng mga Narciso. Ngunit mahihirapang bumangon si Magda mula sa pagkakalugmok dahil aakusahan siyang kinopya niya ang formula ng sabon ng kalaban.

Paano makakawala si Magda sa paulit-ulit na pagpapahirap sa kanya ng mga Narciso?

Subaybayan ang paghihiganti ni Lena sa “La Vida Lena” gabi-gabi, 10 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood ito sa TV5 at A2Z. Mapapanood din ang episodes nito sa iWantTFC at sa The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV para sa viewers sa labas ng Pilipinas.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang abscbnpr.com.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending