Alice Dixson tama ang naging desisyon na magpa-freeze ng ‘egg cells’ 10 years ago
NAGPA-FREEZE pala talaga ng kanyang “egg cells” ang “Legal Wives” lead actress na si Alice Dixson 10 taon na ang nakararaan.
Ayon sa Kapuso star, 10 taon din ang kanyang hinintay bago mabiyayaan ng anak sa edad na 51 sa pamamagitan nga ng proseso ng surrogacy.
Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Alice dahil kahit natagalan ay ibinigay pa rin ng Diyos ang dasal at hiling niya na maging mommy.
Kuwento ng isa sa mga gaganap na asawa ni Dennis Trillo sa bagong Kapuso series na “Legal Wives”, buti na lang daw at nagdesisyon siyang sumailalim sa egg-freezing o pagtatabi ng egg cells sa pamamagitan ng cryopreservation.
Sa panayam ng GMA sa aktres, 42 years old daw siya o 10 years ago siya nagdesisyon na ipa-freeze ang kanyang “egg”.
“41 pa lang ako when I was thinking about it. Kasi when I was in Canada, nakapanood ako ng video about…uso noon ang egg freezing.
“When I came to the Philippines, I had my divorce and I decided that I still wanna have a baby. Pero paano ko gagawin ‘yun wala na akong asawa?” kuwento pa niya.
Ani Alice, right decision nga raw ang ginawa niya dahil nang makilala na nga niya ang kanyang “the one” at handa na siyang magkaanak ay meron na siyang frozen egg na gagamitin para sa surrogacy.
“Nu’ng first time ko makita si Baby A (Aura), wala kasi siya eh, nandito pa ako sa Pilipinas. Biglang nag-rush, nagmadali ako kumuha ng airplane ticket.
“Nakita ko muna siya on video, and of course iba ‘yung makikita mo siya in person, mahawakan mo.
“And ‘yung time na nakapasok ako sa hospital siyempre, I couldn’t believe na para akong my dreams that finally came true,” masayang kuwento ni Alice.
Sa nakaraang virtual mediacon ng “Legal Wives” inamin ni Alice na hindi pa siya talaga nakakapag-adjust bilang nanay dahil ilang araw din siyang sumabak muli sa lock-in taping.
“It was difficult kasi I had to be away for two weeks tapos, we have the yaya. Nakahanap naman kami ng paraan.
“Unfortunately, up to now hindi ko pa siya talaga nalalaro nang husto because when I was on the set, I got cold and still recovering.
“So, hindi ko pa siya talaga nakakasama ng 100 percent. Pero siguro in the next few days, I’ll be okay na to take care of her,” chika pa ni Alice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.