BL actor magaling manggamit ng mayayamang beki pero may kapalit naman daw na 'video show' | Bandera

BL actor magaling manggamit ng mayayamang beki pero may kapalit naman daw na ‘video show’

Ervin Santiago |July 16,2021
facebook
share this

BL actor magaling manggamit ng mayayamang beki pero may kapalit naman daw na ‘video show’

Ervin Santiago - July 16, 2021 - 09:32 PM

MASTER na master pala ng isang BL (Boy’s Love) actor ang panggagamit sa mayayamang beki dahil matapos niyang harbatan ang mga ito ay bigla na lang siyang mawawala.

Talagang hindi na raw magpaparamdam ang aktor kapag nakuha na niya ang mga gusto niya sa kanyang mga “biktima.” Talbog pa raw nito ang mga nanggo-ghosting. Ha-hahaha!

Kuwento ng aming source, ganyan daw ang technique ng binata, kakaibigan at kukunin muna ang loob ng mga beks saka niya haharbatan nang bonggang-bongga! Magaling siyang mambola kaya lahat ng gusto niya ay kanyang nakukuha nagegetsing.

Mga mamahaling damit, shoes at kung anu-ano pa ay nakukuha niya agad-agad nang walang paghihirap.

Nagtataka nga ang ilang netizens sa mga latest na ganap sa buhay ng young aktor dahil parang ang dami-dami nitong pera at nakapag-produce pa nga raw.

Saan naman daw galing ang datung ng guy? Hinala nila ay sa mga ginagamit niyang beki na todo give naman ng pera sa kanya at iba pang luho.

Sa South daw nakikipag-meet ang BL actor at ang request nito ay sa fancy restaurant para roon sila kumain at magchikahan. Magaling chumika ang aktor at mabilis niyang nabobola ang kanyang mga nakakausap.

Nakita rin ng ating source na after kumain sa isang sosyaling restaurant ay magkasama pa ring umuwi ang binata at ang beki. Saan kaya sila tumuloy at ano ang ginawa after? Nakakatawa nga dahil gustong ipakita ng source ang larawan nilang dalawa.

Sinabi rin ng aming kausap na maraming nagpapadala sa aktor galing ibang bansa na hindi pa niya nami-meet nang personal.

In fairness smooth na smooth gumalaw ang binata at handang gawin ang lahat para sa kanyang future. Ngunit true nga kaya na isang bonggang-bonggang video show ang kapalit sa bawat padala sa kanya ng mga beks abroad?

Kaso nga ay hindi alam ng kanyang mga dating tagahanga, na bumitiw na sa kanya, kung talagang may future pa siya sa showbiz dahil hindi naman siya ganu’n kagaling. Hindi rin siya standout kapag itinabi sa iba pang mga BL actor.

Marami na ring nagrereklamo sa ugali ng aktor na ubod nang yabang na feeling super sikat. Mataas ang tingin niya sa kanyang sarili kaya walang mga major producer ang kumukuha sa kanya. Paulit-ulit na rin ang mga ginagawa niyang BL series.

Pagtatapos ng source, maging ang mga dating nakatrabaho raw ng binata ay may masasabi sa kanyang ugali.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi nga ng ating source, puwede nang ibigay sa kanya ang award na “User of the Year.” Hirit pa ng ating source, kailan kaya titigil ang aktor na ito at kailan kaya siya magbabago?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending