Pauleen nagpaliwanag kung bakit walang face mask si Tali sa kanilang 'field day' photo | Bandera

Pauleen nagpaliwanag kung bakit walang face mask si Tali sa kanilang ‘field day’ photo

Ervin Santiago - July 12, 2021 - 01:58 PM

AGAD nagpaliwanag sa publiko ang TV host-actress na si Pauleen Luna kung bakit walang suot na face mask ang anak niyang si Talitha Sotto nang minsan silang lumabas ng bahay.

Nag-post kasi ang celebrity mom sa kanyang Instagram page ng litrato nila ng anak nila Bossing Vic Sotto kung saan makikita siyang nakasuot ng face mask pero si Tali ay wala.

“Field day. Thank you Lord for my family,” ang inilagay ni Poleng na caption sa ibinahagi niyang litrato.  Pinusuan naman ito at ni-like ng kanyang mga IG followers.

Pero may isang netizen nga ang pumansin sa photo at nagtanong sa kanya ng, “Bakit kaya naka-mask ang nanay pero si Tali hindi? Tanong lang po.”

Depensa ng “Eat Bulaga” host, siniguro nilang safe si Tali sa nasabing lugar kahit hindi mag-face mask dahil nasa open field naman sila at istrikto rin nilang sinusunod ang social distancing.

“Kids have the tendency to take off their mask especially if hirap ng huminga sa (sa hingal).

“Don’t worry, we were in a huge field, walang nagkakadikit na tao,” paliwanag pa ng asawa ni Bossing sa mga nagtatanong na netizens.

Sinang-ayunan naman siya ng ilang nanay at nagsabing naiintindihan nila ang paliwanag ni Pauleen dahil ganu’n din daw ang kanilang mga anak, nahihirapang huminga kapag matagal nang nakasuot ng face mask.

Comment nga ng isang netizen, “Kapag ganyan po ang comment sa inyo wag nyo n lang po sagutin. Claim the power that you dont need to explain to anybody on how you will raise your child. A mother will never put a child in harms way. Obviously this person isnt a mother otherwise hindi nya iisipin n u can put your dear daughter in danger.”

Nitong nagdaang Biyernes, in-announce ng Malacañang na pinapayagan nang lumabas ang mga batang may edad lima pataas sa ilang selected areas (basta may kasamang adult) kahit patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic.

At ipatutupad lamang ito sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ). 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But places under GCQ with heightened restrictions, including Laguna and Cavite, are not included,” ayon pa sa pahayag ng Palasyo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending