Payo ni Robin kay Kylie: Sabi ko sa kanya 'pag-Muslimin mo na lang si Aljur...' Bandera

Payo ni Robin kay Kylie: Sabi ko sa kanya ‘pag-Muslimin mo na lang si Aljur…’

Ervin Santiago |July 11,2021
share this

Payo ni Robin kay Kylie: Sabi ko sa kanya ‘pag-Muslimin mo na lang si Aljur…’

Ervin Santiago July 11, 2021 - 02:03 PM

KAHIT kailan ay hindi nanghimasok ang action star na si Robin Padilla sa pribadong buhay ng kanyang mga anak, lalo na kapag tungkol na sa marital problems.

Sinabi ng aktor na wala siyang balak pangaralan o panghimasukan ang paghihiwalay ng kanyang anak na si Kylie Padilla at ng hunk actor na si Aljur Abrenica.

Ayon kay Binoe, naniniwala siya na ang tanging makaaayos ng kanilang problema bilang mag-asawa ay sila lang at wala nang iba. 

Ang tanging magagawa lang daw niya ngayon ay suportahan ang anak sa mga magiging desisyon nito ngayong hiwalay na sila ni Aljur at siguruhing nasa maayos na kalagayan ang kanyang mga apo.

“Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko? E, failure din kami ng mama niya (Kylie). Ano’ng credibility ko?” ang pagpapakatotoo ni Robin.

Si Kylie ay anak niya sa dating asawang si Liezl Sicangco na tahimik na ngayong naninirahan sa Australia kasama ang iba pa nilang mga anak.

“Sabi ko pag-Muslimin mo na lang si Aljur,” ang pahayag pa ni Binoe sa YouTube vlog ng talent manager at celebrity vlogger na si Ogie Diaz na siya ring nagbuking na may third party involved sa break-up ng mag-asawa.

Paalala pa ni Binoe kay Kylie, “Sabi ko sa kanya mahirap ‘yong ganyan ang sitwasyon ng puso mo tapos wala kang gagawin. Dapat mag-ensayo ka, ibalik mo ‘yong fighting spirit mo.

“Lumaban ka ulit. Fighter kasi ‘yan, totoong fighter ‘yan. Balik mo ‘yong dati mo,” sey pa ni Robin sa anak.

Suportado rin niya ang naging desisyon ng aktres na lumayo muna kay Aljur para makapag-isip-isip siya at mabalanse ang mga kaganapan sa kanilang buhay.

“Pero sana huwag tumagal. Kung magbabalikan sila, ‘wag nilang patagalin. Kailangan kaagad,” pahayag pa ni Robin na umaasa pa ring magkakabalikan ang mag-asawa para na rin sa kapakanan ng kanyang mga apo.

Nauna rito, sinabi rin ni Binoe na pinagsabihan din niya sina Aljur at Kylie na itigil na ang pagpo-post sa social media ng tungkol sa mga problema nila.

“Tumatawag si Aljur sa akin, hindi ko sinasagot. Minessage ko lang siya, sabi ko, ‘Isa lang ang gusto ko, tumigil kayo sa social media, nakakahiya ‘yan.’

“Baduy na baduy ako du’n sa social media. Para sa akin lang, makikita ng mga anak n’yo ‘yan. Sa akin, ang dalawang mag-asawa na hindi na nagkakasundo, hindi kayo dapat maghiwalay nang magkaaway.

“Bakit? Nagmahalan naman kayo, e, nasarapan naman kayo pareho. Hindi kayo kailangang mag-away,” ani Robin.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending