Alice, Andrea, Bianca magsasabong sa 'Legal Wives'; Claire, Royce hot na hot | Bandera

Alice, Andrea, Bianca magsasabong sa ‘Legal Wives’; Claire, Royce hot na hot

Ervin Santiago |July 07,2021
facebook
share this

Alice, Andrea, Bianca magsasabong sa ‘Legal Wives’; Claire, Royce hot na hot

Ervin Santiago - July 07, 2021 - 08:58 AM

HINDI umubra ang malamig na panahon sa sizzling and daring photos ng Kapuso stars na sina Claire Castro at Royce Cabrera para sa kanilang upcoming Afternoon Prime series na “Nagbabagang Luha.”

Magkahalong excitement at intriga ang naging reaksyon ng netizens sa behind-the-scene photos nina Claire at Royce na parehong mga bagong mukhang mapapanood sa GMA Afternoon prime block. 

Ang “Nagbabagang Luha” ang unang major TV project ng dalawang Kapuso stars kaya naman talagang game na game sila sa mga maiinit at palabang eksena.

Gagampanan ni Claire ang role ni Cielo na orihinal na binigyang-buhay ni Alice Dixson sa movie version nito. 

Si Cielo ang mapusok at rebeldeng kapatid ni Maita na gagampanan naman ni Glaiza de Castro na ginampanan naman noon ni Lorna Tolentino.

Samantala, gaganap naman si Royce bilang si Sherwin na isang big-time drug dealer kaya siguradong mapapalaban din siya  sa serye hindi lamang sa drama kundi pati na rin sa maaaksyong eksena.

Abangan ang “Nagbabagang Luha” soon sa GMA Afternoon Prime.

* * *

Inaabangan na rin ang salpukan ng mahuhusay na mga aktres na sina Alice Dixson, Bianca Umali, at Andrea Torres sa upcoming GMA primetime series na “Legal Wives.”

Iikot ang kuwento ng serye sa Mranaw na si Ismael (Dennis Trillo) at sa tatlong babaeng pakakasalan niya nang dahil sa magkakaibang dahilan. 

Challenging daw para kay Andrea ang karakter niyang si Diane, ang nag-iisang Kristiyano sa tatlong asawa.

“I think ang pinaka-challenge is to find that balance kasi there are so many layers to her character, napakadami niyang pagdadaanan dito,” aniya.

Bagong perspektibo naman daw ang naibigay ng serye kay Bianca, na gaganap bilang pinakabatang asawang si Farrah.

“Ngayon nandito ako at nakikita ko lahat, sa totoo lang sobrang daming matututunan pati about life eh–‘yung perspective sa buhay, kung paano mo titingnan ‘yung mga sitwasyon,” pahayag ng young actress.

Samantala, magandang paraan naman para kay Alice ang kanilang programa upang higit na mas makilala ng viewers ang kultura ng mga Muslim.

“They’re actually very loving, God-fearing people. They have the same goals and desires in their lives. They have strong family bonds,” ayon sa aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang world premiere ng “Legal Wives,” soon sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending