Maine rarampa sa bagong lifestyle show ng BuKo channel sa Cignal TV; Pokwang bibida sa 'Kusina ni Mamang' | Bandera

Maine rarampa sa bagong lifestyle show ng BuKo channel sa Cignal TV; Pokwang bibida sa ‘Kusina ni Mamang’

Ervin Santiago - July 06, 2021 - 10:52 AM

ISANG bagong comedy channel ang malapit nang matunghayan ng mga manonood sa pagsasanib-puwersa ng Cignal TV Inc. at APT Entertainment Inc. para maghatid ng 24/7 na feel-good entertainment at walang katapusang saya.

Simula ngayong Agosto, magbubukas na ang BuKo (Buhay Komedya), ang kauna-unahan at nag-iisang 24/7 local comedy channel na handog ang refreshing lineup ng comedy classics, hit sitcoms, gag shows, at all-new original programs na pagbibidahan ng mga hinahangaang artista at talento sa bansa.  

Ang BuKo ay may hatid na refreshing blend ng comedy at lifestyle shows na mahahati sa tatlong programming blocks: Buko Originals, Tawang Pinoy Klasiks, at Throwback Tawanan.

Authentic Pinoy humor at creativity ang tampok sa BuKo Originals tulad ng “#MaineGoals,” isang lifestyle-oriented show ng phenomenal star na si Maine Mendoza kung saan gagawin niya ang mga tasks o goals mula sa kanyang checklist.

Kabilang din sa programming block na ito ang “Kusina ni Mamang”  hosted by Pokwang, at ang kuwelang “News Patol” na magre-report ng mga patolang balita.

Hatid naman ng “Tawang Pinoy Klasiks” ang mga well-loved Pinoy comedy classics gaya ng Iskul Bukol, Wow Mali, Bubble Gang, OGAG, Loko Moko, Tropang Trumpo, at iba pang comedy TV hits.

Sa Throwback Tawanan naman matutunghayan ang ibat-ibang sikat na comedy series at game shows na kinagigiliwan ng mga manonood, katulad ng Pidol’s Wonderland, Celebrity Samurai, Mac and Chiz, Sugo mga Kapatid, at marami pang iba.

Sa unique mix ng classic, well-loved, at mga bagong programa ng BuKo, siguradong hatid ng bagong comedy channel na ito ang feel-good na bonding para sa buong pamilya.

“Cignal TV Inc. is committed to continuously provide the best possible content for our viewers. It is an honor for us to partner with APT Entertainment, a stalwart in the industry when it comes to providing entertainment that resonates with Filipino audiences. 

“With our collaboration to produce BuKo, and with it historically being the first 24/7 local comedy channel in the country, we are further fueled by our shared passion to create and offer quality programming and top-notch entertainment for all,” pahayag ng FVP/Head for Channels and Content Management ng Cignal TV na si Sienna Maris Olaso.

Katulad din ng Cignal TV Inc., ibinabahagi ng APT Entertainment ang karangalan sa pagbubuo ng BuKo at sa paghahatid ng unique content para sa bagong comedy channel.

“In these unprecedented times when Filipinos need to be entertained more than ever, we are pleased to work with Cignal in bringing BuKo to life. 

“Through this new comedy channel, we take pride in offering highly entertaining content that will fill homes with collective laughter as families spend quality time watching our shows on BuKo,” sabi naman ng CEO & President ng APT Entertainment na si Michael Tuviera.

Ang Buko Channel ay opisyal na magbubukas ngayong August 2, 2021 sa Cignal TV Channel 2 at SatLite Channel 2. Puwede ding ma-access ang BuKo sa Cignal Play app, available sa App Store atGoogle Play. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa Cignal postpaid and prepaid subscription inquiries, bumisita sa https://cignal.tv. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending