Chito wais din sa pera, tuluy-tuloy ang kita kahit hindi na magbanda | Bandera

Chito wais din sa pera, tuluy-tuloy ang kita kahit hindi na magbanda

Ervin Santiago - July 05, 2021 - 09:12 AM

EPEKTIB ang ginagawang diskarte ng mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig pagdating sa usaping pera at negosyo.

Ayon sa bokalista ng bandang Parokya ni Edgar, hindi nila pinakikialam ang isa’t isa kung tungkol na sa pera ang pinag-uusapan pati na ang pagpapatakbo sa kanilang mga negosyo.

“When it comes to businesses, the reason why we have our own negosyo, ay because may sari-sarili kaming style at diskarte sa business.

“So, ‘yung ibang businesses ni Neri, sa kanya lang. May businesses ako na ako lang, pero may businesses din na partner kami,” pahayag ni Chito sa isang vlog.

Aniya, may kanya-kanya silang style at diskarte pagdating sa paghawak ng business at nirerespesto nila kung ano ang magiging desisyon nila hinggil dito.

“First of all, ang maganda diyan, hindi kami nag-aaway sa businesses or sa pera kasi may kanya-kanya kaming pera. 

“Anyway, when it comes to business, may sariling diskarte and sarili niyang pamamalakad kasi talagang magkaiba kami ng style,” sey ni Chito. 

“Tsaka may kanya-kanya din kaming circle of friends slash business partners,” dugtong pa ng OPM icon.

Hindi rin niya pinakikialaman si Neri dahil may sariling pera ang aktres kaya malaya itong nakapagdedesisyon kung ano ang nais niyang gawin at kung saan niya ito gagastusin.

“‘Yun din ‘yung advantage for handling our money. If you have your own money and gusto mo isugal sa business, it’s up to you because you’re playing and you’re gambling with your own money,” sabi pa ni Chito.

“And it works for us because you’re a risktaker and you can afford to take risks because I am a conservative investor,” sey pa ng celebrity dad.

Sabi pa niya kay Neri, “‘Yung pera mo pwede mong pagtripan, ako ‘yung pera namin, I’m still the provider of this family. So, I need to be conservative because I can’t mess up. 

“Meron siyang safety net. If she fails, it’s okay kasi I have enough to sustain and provide for my family. ‘Yun ‘yung advantage of having our own money. 

“Her money is her money, my money is our money. Pero hindi na siya humihingi ng pangluho dahil mas marami siyang pera,” pag-amin ni Chito. 

Pagpapatuloy pa niya, “I’m enjoying the benefits also kasi ang laki kumita ng asawa ko. Kasi high risk, high reward. Pero madami ding sumablay na businesses ‘yang si Neri.

“Pero okay lang kasi she learned. And habang natututo ka, parami nang parami na businesses. Kasi natututo ka na eh. And naging careful na din siya,” ang napakapositibo pang pananaw ng singer-songwriter.

Sabi pa niya, bilib na bilib siya kay Neri sa pagiging wais na misis, “I admire the fact na ayaw mong ginagalaw ‘yung pera ko sa luho. Kumbaga nahihiya ka pa magpabili ng sapatos. 

“That’s why it also works for her. Because ‘yung fact na nahihiya siya humingi sa akin ng money — which I appreciate — ‘yun ‘yung nagiging drive niya rin. ‘Yung motivation and nagtatrabaho to have her own. 

“And I respect that kasi ‘yung accomplishment mo sa sarili mo, ang saya mo,
 ‘di ba?’” pahayag pa ng singer.

Saludo rin naman si Neri sa pagiging responsable ng kanyang asawa dahil noon palang ay nakapagpundar na ito ng mga ari-arian mula sa mga kinita niya sa pagbabanda.

“Ang dami niyang na-invest. Before pa kami magkakakilala, nakapag-invest na siya ng mga properties. And now, with or without the band, kumikita siya dahil marami siyang investment na parentahan. 

“Not to mention the royalties and ‘yung mga ginagawa niyang jingles. ‘Yun pa lang ang laki na,” sey ni Neri. 

“Kahit ‘di na siya magbanda, monthly dumarating ‘yung pera. I’m just saying na baka pagbabanda lang ang alam mo. No. Si Chito po ay napakagaling sa pera,” dugtong pa niya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey naman ni Chito, “What I did when I started earning money, instead of spending it on stuff I don’t need, I spent it on things that would make more money for me.” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending