Tanong ng netizens, lilipat na rin ba si Anne Curtis sa GMA 7? | Bandera

Tanong ng netizens, lilipat na rin ba si Anne Curtis sa GMA 7?

Reggee Bonoan - July 01, 2021 - 05:48 PM

NAGULAT ang ilang netizens sa post ni GMA executive Joey Abacan sa kanyang Instagram account kung saan ka-zoom meeting niya si Anne Curtis ngayong araw kasama si GMA Pictures President Annette Gozon-Valdes.

Ang nakalagay sa caption ng IG post ni Joey, “Thank God for a very productive afternoon! Very refreshing to see you again @annecurtissmith #goodvibes #gmafilms #gma #viva.”

Kaya naman tinanong kaagad ng isang netizen ang TV host at aktres, “@annecurtissmith please tell us na gma films lang at hindi ka lilipat sa gma?”

Sumabay naman kasi sa balita ng contract signing ng dating Kapamilya star na si Bea Alonzo sa Kapuso network  ang pagpo-post ng GMA executive tungkol kay Anne.

Tawang-tawang sinagot naman ito ni Anne at sinabing kumalma lang ang mga nakakita sa nasabing post.

“Hahaha Yes. Kalma. They pitched a film for next year na hindi pa naman sure yet. 

“As always, I need to read the script first before making a decision. The last Viva x GMA Film I did was IN YOUR EYES with Ate Claudine & Richard. I was already a Kapamilya then. So Kalma Lang!” sabi ni Anne.

Dagdag pa ng aktres, “And isa pa, babalik pa ako sa It’s Showtime. So kalma lang madlang peeps!!!!”

Binasa namin ang ibang komento ng netizens at may nagsabing bumalik na siya ng GMA at may mga nagkomento naman na manatili na lang siya sa ABS-CBN.

Oo nga naman, tumayming din naman kasi ang pag-post ng GMA executive pagkatapos pumirma sa Kapuso station ni Bea.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending