4G sagot sa hamon ng online education para sa mga Aeta ng Bataan
Kilala ang Bataan sa kasaysayan bilang isa sa mga probinsya na huling sinakop ng mga Hapon noong World War II. Dito rin naganap ang “Death March” na kumitil sa buhay ng mahigit 10,000 sundalong Pilipino at Amerikano. Maliban sa pagiging duyan ng mga bayani, isa rin ang Bataan sa mga natitirang lugar na itinuturing na tahanan ng mga katutubong Aeta.
Malayo sa modernong galaw ng siyudad, matatagpuan ang Sitio Pastolan sa bayan ng Hermosa kung saan tahimik na namumuhay ang mga Aeta gaya ni Tina Santos.
Bagama’t 45 anyos na at may limang anak, hindi ito nakapigil kay Tina para maghangad na makapag-aral. Grade 5 na si Tina nang tumama ang pandemiya. Nalagay sa peligro ang pangarap niyang makapagtapos. Dahil sa hirap ng kanilang buhay, wala siyang magamit na gadget para sa online classes. Dagdag pa rito ang mahinang koneksyon ng internet sa kanilang lugar.
“Pangarap ko pong makapagtapos ng pag-aaral. Handa naman po akong pag-aralan ‘yang online at internet na yan. Marami rin pong matatanda rito na gustong magtapos ng pag-aaral,” pahayag ni Tina.
Pero hindi lamang ang mga estudyante na katulad ni Tina ang humaharap sa mga hamon ng distance learning. Maging ang mga guro sa Bataan ay hirap ding mag- online class dahil sa mahinang Internet kaya ang ibinigay na mga laptop ng lokal na pamahalaan ng Hermosa ay hindi nila masulit.
“Actually kahit modular distance learning ‘yung system of education na ginagawa po namin, mas prefered po nila ‘yung online. Kaya lang due to unavailability of access ng internet ay imposible po para sa kanila kaya nahihirapan ang mga magulang para tulungan ang kanilang mga anak,” ayon kay Vilma Gonzales, Punong-guro ng Hermosa Elementary School.
Ang hindi alam ng marami, ang 3G network at ang paggamit ng lumang SIM card na 3G ay malaking dahilan ng mahirap at mabagal na signal dahil ito ay pinaglumaan na teknolohiya.
Ngayon, dahil ang mga cell tower sa Bataan at mga kalapit lalawigan ay upgraded o mas pinalakas na ng Globe, pwede nang magamit ang 4G na siyang mas bagong teknolohiya para sa mas mabilis na internet connection.
“Kasaysayang maituturing ang pagsubok na hinaharap ng bawat Pilipino ngayong panahon ng pandemiya. Sa tulong ng teknolohiya, hangad ng Globe na mapagaan ang buhay ng bawa’t isa. Kaya naman patuloy naming pinapalawak at ina-upgrade ang aming network para maibigay ang mabilis at maayos na koneksyon para sa lahat,” ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.
Sa pagmamalasakit ng Globe at ng lokal na pamahalaan ng Hermosa, naging posible ang pangarap ni Tina at ng iba pang mga gaya niya na magkaroon ng gadget na magagamit sa 4G kaya pwede na siyang makapag-unli online learning.
“Alam kong malaking tulong ang gadget kay Tina at salamat sa 4G dahil ngayon kahit ang mga kababayan nating Aeta may pagkakataong makapag-aral at hindi na sila maiiwan sa kaalaman,” sabi ni Hermosa Mayor Antonio Joseph Inton.
Malaking pasasalamat din ni Tina sa naging tulong na ito. “Salamat po sa 4G mapapanood na namin ‘yung mga kailangan naming matutunan. Kahit papaano alam na namin kung ano ‘yung pinag-aaralan sa ibaba, sa bayan. Ngayong meron na akong gadget at malakas ang internet signal, makakapagtapos na ako ng pag-aaral.”
Sa mga gustong magkaroon ng mas magandang serbisyo ng internet gamit ang mobile, dalhin lamang ang lumang 3G SIM sa pinakamalapit na Globe Store para libreng palitan ng 5G-ready 4G LTE SIM na gamit pa rin ang kasalukuyang numero. Hinihikayat din ang lahat na gumamit ng 4G LTE na cellphone para sa mas magandang karanasan.
Para sa mga karagdagang kaalaman, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/help/mobile-internet/lte/faqs.html.
Patuloy na sinusuportahan ng Globe ang 10 United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) partikular ang UN SDG No. 9 na nagbibigay-diin sa mahalagang papel ng imprastruktura at innovation sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Bisitahin din ang www.globe.com.ph para sa iba pang impormasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.