Ellen nagbago ang itsura ng boobs dahil sa pagiging 'padede mom': Hindi na rin pwedeng pakawala | Bandera

Ellen nagbago ang itsura ng boobs dahil sa pagiging ‘padede mom’: Hindi na rin pwedeng pakawala

Ervin Santiago |February 08,2022
facebook
share this

Ellen nagbago ang itsura ng boobs dahil sa pagiging ‘padede mom’: Hindi na rin pwedeng pakawala

Ervin Santiago - February 08, 2022 - 11:26 AM

Ellen Adarna, Derek Ramsay at Elias Modesto

MISMONG si Ellen Adarna na ang nagsabi na hindi na siya basta-basta nagsusuot ng revealing o super sexy na 2-piece-bikini kahit pa nasa beach o swimming pool.

Inamin din niya na hindi na ganoon kaganda o ka-perfect ang tindig ng kanyang boobs dahil sa pagiging padede mom sa anak nila ni John Lloyd Cruz na si Elias.

Ayon sa misis ni Derek Ramsay, napakarami nang nagbago sa kanya simula nang maging nanay siya, lalo na sa pananamit, pagsasalita at sa mga pananaw niya sa buhay.

May mga comments ang ilang netizens sa Instagram na game na game na sinagot ng aktres, lalo na ang tungkol sa pagpapaseksi niya sa mga pictorial o photoshoot.

Isang IG follower ni Ellen ang nakapansin na palaging family photos na raw ang isine-share niya sa social media hindi tulad noon na puro litrato niya sa inuman at lasingan.

Nitong nagdaang weekend, nag-post ang aktres ng mga kaganapan sa first anniversary celebration nila ni Derek na ginanap sa isang beach resort.

Sa comments section, isang netizen nga ang nagsabing, “Ang gaganda ng nakikitang post ni elena di gaya dati ns inuman at lasing.”

Sagot naman sa kanya ni Ellen, iba na raw ang priorities niya ngayon bilang isang asawa at ina, “I have a son now dai, di na pwedeng pakawala… 

“Before, I had all the right to live my life to the fullest. Life is good,” dagdag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by Ellen Adarna Ramsay (@maria.elena.adarna)


May nagkomento at nagtanong rin sa isa niyang IG photo kung bakit daw pare-pareho ang isinusuot niyang bikini swimsuit base sa mga ibinabahagi niya sa socmed.

Paliwanag sa kanya ng wifey ni Derek, “My son has this habit of grabbing boobies out of nowhere so I make sure and secure them that they don’t just pop out easily esp when im around my super physically active family.”

Dagdag pang pahayag ng aktres, may mga nagbago na rin daw sa katawan niya kaya hindi na niya nagagawa ang mga dating paandar at pasabog niya sa social media.

“As much as i’d want to be a hubadera and wear all kinds of bikini top unfortunately, not all bikini top cuts and style look good on me anymore because of my sagging breasts due to breastfeeding.

“So… sorry if my paulit ulit is bothering you but I have to dress practically and accordingly,” mariing sey pa ni Ellen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Ellen at Derek noong November, 11 2021 sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bagac, Bataan.

‘Lampungan’ photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo!

Pamilya ni Ellen hindi raw boto kay John Lloyd kaya naghiwalay; JLC may binayarang P20-M kay Katrina?

Buti na lang nagbago ako ng lifestyle kundi wala na ako ngayon o may cancer na ‘ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending