Sila na ba ulit? J.Lo at Ben Affleck na-picturan na naghahalikan Bandera

Sila na ba ulit? J.Lo at Ben Affleck na-picturan na naghahalikan

|June 19,2021
share this

Sila na ba ulit? J.Lo at Ben Affleck na-picturan na naghahalikan

June 19,2021 - 09:47 PM

Sa file photo na ito noong 2003, makikita sina Ben Affleck at Jennifer Lopez na sweet na sweet. (Reuters) 

LOS ANGELES — Mukhang totoo na talaga ang chismis na may nangyayaring something kina Jennifer Lopez at Ben Affleck.

Noong Lunes, nagpyesta ang mga paparazzi matapos makunan ng picture ang dalawa na passionate na naghahalikan. Mukhang may basehan nga ang mainit na chika na kumakalat na muling nabuhay ang pagtitinginan ng dalawa.

Sa larawan na ipinost ng New York Post, makikta sina J.Lo at Ben Affleck na naghahalikan habang kumakain kasama ang pamilya ni Jennifer sa isang restaurant sa Malibu noong Linggo.

Ang kampo ng dalawa ay tikom ang bibig sa isyu at tumangging magbigay ng anumang komento.

Noong maagang bahagi ng 2000, naging usap-usapan sina J.Lo at “Argo” director Ben sa 6.1-carat na pink diamond ng engagement ring. Binansagan pa ang tambalan ng dalawa na “Bennifer.”  Pero noong 2003, sinabi nilang di na matutuloy ang kasal at naghiwalay na kalaunan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending