Nadine kayang mabuhay kahit walang social media, pero…
WALANG pakialam si Nadine Lustre sa pamba-bash sa kanya ng netizens sa social media pero kapag family na niya ang involved ay ibang usapan na raw yun.
Yan ang ipinagdiinan ng singer-actress nang mapag-usapan ang tungkol sa mas tumitindi pa ngayong kanegahan at siraan sa digital o cyber space.
Aminado ang dalaga na talagang may pagkakataon na nagpapahinga siya sa socmed lalo na kapag nagiging “toxic” na ito dahil sa mga taong walang ginawa kundi ang magpakalat ng galit at negative vibes.
“As much as possible, I don’t really deal with the toxicity, it is very toxic, I must admit. there are so many people throwing hate and just saying whatever they want just to bring other people down,” pahayag ng dalaga sa online chikahan nila ni Boy Abunda.
Chika ni Nadine, lahat daw ng ipino-post niya sa kanyang social media accounts ay “beneficial” sa kanyang mga fans at socmed followers.
“Me kasi, when I share on social media, it’s the stuff I want to share and it’s stuff that I know my followers would benefit from. Something to inspire them. Something the kind of spark to make them creative,” lahad pa niya.
Kasunod nito, inamin din ng ex-partner ni James Reid na totoong hindi talaga niya kayang i-handle noon ang mga hate message na ibinabato sa kanya ng bashers lalo na kapag idinadamay pa ang pamilya niya.
Dahil dito, may mga araw na umiiwas siya sa socmed para hindi na makabasa ng mga masasakit at bastos na comments.
“At that time, I don’t really have the courage to deal with it because before talaga I would see comments or messages from random people talking about my family, friends.
“It really hurts me. If it’s about me, I don’t really care, you can say whatever you want. It got to that point. I just couldn’t handle it then.
“I can actually survive without social media, surprisingly. But I have to do it because it’s part of my work,” aniya pa.
Dagdag pa ng dalaga, dahil sa sitwasyon ngayon kung saan walang masyadong entertainment events dahil sa pandemya, kailangan talaga ng mga celebrities ang social media “to reach out to their audience.”
“This is my way of giving back to them and make them feel like, ‘o hey I still remember you all and I still love you all,’” pahayag pa ng multimedia star.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.