Roxanne Barcelo nanganak na sa kanyang first baby: Here’s to the rest of our life! Bandera

Roxanne Barcelo nanganak na sa kanyang first baby: Here’s to the rest of our life!

Ervin Santiago |June 08,2021
share this

Roxanne Barcelo nanganak na sa kanyang first baby: Here’s to the rest of our life!

Ervin Santiago June 08,2021 - 12:46 PM

ISINILANG na ng singer-actress na si Roxanne Barcelo ang panganay na anak nila ng kanyang non-showbiz husband.

Sa kanyang Instagram Story nitong nagdaang Linggo, ibinahagi ni Roxanne ang litrato niya habang kalong ang kanyang newborn son.

Aniya sa caption, “Here’s to the rest of our life.” Wala nang ibang detalyeng ibinigay ang aktres tungkol sa kanyang panganganak.

Nito lang nakaraang April ibinalita ni Roxanne na nagdadalang-tao siya sa kanyang first baby sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog. 

Inisa-isa pa niya rito ang ginagawa niyang paghahanda para masigurong healthy niyang maipapanganak ang sanggol. Bukod dito, ibinahagi rin niya sa kanyang followers ang mga natutunang pregnancy exercises.

Sa isang panayam, nabanggit ng aktres ang apat na salita na maaaring maglarawan sa kanyang pagbubuntis at bilang future mommy.

“I named each look and vibe expressing the different phases of my pregnancy, specifically: awakened, gratitude, alignment, and manifestation.

“Collectively, I called it the Path to Selfhood, and it really visualizes the sounds of my mood and this new season of my life,” aniya pa.

Last December, ginulat ni Roxanne ang madlang pipol sa balitang ikinasal na siya ngunit hindi niya binanggit ang pangalan ng kanyang asawa. Hindi rin niya ipinakita sa publiko ang itsura nito.

“He said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked twice. 

“He actually asked me a few months after quarantine pero dahil naka-lockdown pa nun, all we knew was that we were going to get married before the year ends.

“Totoo pala yung when you know, you know. I knew from the start na siya yung para sa akin. I am taken! He is worth the wait,” ang lahad pa ni Roxanne sa isa pa niyang vlog.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending