Fans wish na magkatuluyan sina Rita at Ken; Rocco, Max muling magtatambal sa GMA series | Bandera

Fans wish na magkatuluyan sina Rita at Ken; Rocco, Max muling magtatambal sa GMA series

Ervin Santiago |June 01,2021
facebook
share this

Fans wish na magkatuluyan sina Rita at Ken; Rocco, Max muling magtatambal sa GMA series

Ervin Santiago - June 01, 2021 - 09:12 AM

EXCITED na ang viewers at netizens na mapanood ang tambalan nina Rocco Nacino at Max Collins sa upcoming Kapuso series na “To Have And To Hold.”

Taong 2012 pa nang huling magkasama sa isang programa sina Rocco at Max kaya naman masaya ang kanilang fans nang makita ang behind-the-scene photos sa pinakabago nilang pagtatambalang GMA series. 

Bibigyang-buhay nina Rocco at Max ang mga karakter nina Dominique at Gavin Ramirez. 

Picture-perfect ang buhay ng mag-asawang Gavin at Dominique ngunit isang iskandalo ang gigimbal sa pagsasama ng dalawa. 

Ipaglalaban ba ni Gavin ang nasirang relasyon sa asawang si Dominique, o muling mag-uumpisa sa isang bagong pag-ibig?

Abangan ang iba pang Kapuso stars na makakasama nina Rocco at Max sa “To Have And To Hold,” soon sa GMA Network.

* * *

Hindi na makapaghintay ang fans ng Kapuso loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela na mapanood ang GMA Afternoon Prime series na “Ang Dalawang Ikaw.”

Nitong May 24 ay nagsimula na ang huling cycle ng lock-in taping ng naturang GMA series sa Bataan kaya naman magkahalong excitement at kalunglutan ang nararamdaman ng buong cast and production.

Umapaw naman ang kilig ng kanilang fans sa inilabas na behind-the-scene photos ng RitKen mula sa taping na magkayakap. 

Biro ng isang netizen, “Pwede tumalon sa kilig? Grabe na kayo RitKen ha.” 

“So excited na sa Ang Dalawang Ikaw. Guys pahinging oxygen oh,” dagdag pa ng isang fan.  

“Kailan kay matutupad ang wish ko na maging sila na in real life! RitKen please kayo na lang sana! Wag nang magpatumpik tumpik pa!” reaksyon naman ng isang netizen.

Samantala, itinuturing ni Ken na super challenging ang kanyang karakter sa serye dahil gagampanan niya ang role ng lalaking may dissociative identity disorder (DID).

Ang DID ay isang mental illness kung saan nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao, dahilan para magkaroon siya ng dalawang katauhan — sina Nelson at Tyler. Si Rita naman ay gaganap bilang si Mia, ang asawa ni Nelson.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mula sa direksyon ni Jorron Monroy, abangan ang kaabang-abang na pagganap nina Ken at Rita sa “Ang Dalawang Ikaw,” na malapit na ring mapanood sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending