Hater 'sunog' kay Alex: Nakausap ko si Ariana Grande, OK naman at happy siya sa married life niya! | Bandera

Hater ‘sunog’ kay Alex: Nakausap ko si Ariana Grande, OK naman at happy siya sa married life niya!

Ervin Santiago |May 31,2021
facebook
share this

Hater ‘sunog’ kay Alex: Nakausap ko si Ariana Grande, OK naman at happy siya sa married life niya!

Ervin Santiago - May 31, 2021 - 11:38 AM

PINAGBABATO ng hate messages ang actress-TV host na si Alex Gonzaga ng ilang netizens nang dahil lang sa pagpapaka-fangirl niya sa international star na si Ariana Grande.

Na-shock ang celebrity vlogger sa natanggap na negang comments mula sa mga bashers matapos mag-post ng tungkol sa ginanap na wedding ng American singer kamakailan lamang.

Makikita sa Twitter post ni Alex ang photo ng wedding nila ng asawang si Mikee Morada noong November, 2021 at katabi nito ang litrato ni Ariana at ng asawang si Dalton Gomez na kuna sa kanilang kasal nitong nagdaang May 15, 2021.

Naka-relate kasi si Alex sa wedding nina Ariana at Dalton dahil ang intimate wedding ng mga ito ay ginanap din sa kanilang bahay with very limited guests. Aminado naman ang sisteraka ni Toni Gonzaga na isa siyang super fan ni Ariana.

Ang caption na inilagay ni Alex sa kanyang tweet photo, “When your lodi marries the same way as you… AG from the east and west ftw! mars it’s a tie!! @ArianaGrande.”

In fairness, marami naman ang nag-like at nagkomento ng magaganda sa post ng TV host at aktres pero may mga nambasag din sa trip ni Alex at talagang ninega siya nang bonggang-bongga.

Hindi nila nagustuhan ang pagkukumpara ng sikat na YouTuber sa wedding nila ni Mikee sa kasal nina Ariana at Dalton. Feeling nila nagpapapansin at nang-aagaw na naman ng eksena ang kapatid ni Toni.

Ayon sa isang naimbiyernang netizen, “HA ANO CONNECT?” Na sinagot naman ni Alex ng, “Intimate wedding at home. Gets?”

May basher naman ang nagkomento ng, “t*ng*n* all about you teh?” Na sinagot agad ng isang fan ni Alex ng, “Uhhh ehh twitter niya kasi to? Ano gusto mo itweet niya? Tungkol sayo?”

Resbak na reply naman ng basher, “Kasal ng iba, ginawa nyang tungkol sa sarili nya? Anong di mo maintindihan don? Can’t she let Ari have her own spotlight without including herself in the picture? The universe doesn’t revolve around one person.”

Dito na sinupalpal ni Alex ang hater, “Nakakatawa ka naman. Tingin mo with this tweet na-agaw ko spotlight kay ARIANA!?? Seryoso ka?

“Hahahaha! Nakausap ko si Ariana ok naman at happy and busy siya sa married life. Di naman nya ininda tong tweet ko ‘coz this is just me fangirling. Sorry ah tropa mo ata si ariana,” sey ni Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang nangnega sa TV host dahil sa kanyang Ariana wedding post pero hindi na sila pinag-aksayahan pa ng panahon nito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending