Alice Dixson naturukan na ng ikalawang Covid-19 vaccine; netizen umalma
Kumpleto na ang second dose ng Pfizer COVID-19 vaccine ni Alice Dixson at sa Sta. Ana Manila siya sinaksakan nitong Biyernes base sa video post niya sa kanyang Instagram.
Ang caption ni Alice, “I had my 2nd dose of Pfizer here! Dra. Grace Padilla is doing an excellent job at Sta Ana Hospital. May Paris kudos. More good news for you -1500 vaccines tomorrow!!! Register na mga city mates.”
Sa Canada unang binakunahan si Alice noong Abril 8 at nagtanong pa nga siya kung available na ang Pfizer sa Pilipinas dahil plano na niyang umuwi kasama ang anak na si Baby Aura.
At dahil wala pa namang Pfizer noon sa Pinas kaya pinayuhan siya ng netizens na hintayin na lang ang second dose niya sa nasabing bansa. Pero umuwi pa rin si Alice at nitong Biyernes nga niya nakumpleto ang kanyang bakuna.
Pero may ilang netizens ang nag-react sa ginawa ng aktres.
Ayon kay @liaaagrace_ na tinag pa niya si Alice, “ @alicedixson Hi! Isn’t the Pfizer roll-out in Manila only on its first dose palang, and only for people among the A1 to A3 priority group? I’m from Manila, A1, had my first dose of Pfizer last week. So how come kayo po fully vaccinated na?”
Sumagot naman si @ggbbyy10, “@liaaagrace_ i think she had her 1st dose in US.”
Umalma si @liaaagrace_ dahil katwiran niya ay may nasayang na bakuna dahil sa aktres. At tinanong din kung bakit nakapag-bakuna si Alice sa Maynila gayung hindi naman niya roon nakuha ang 1st dose.
“@ggbbyy10 what happens to her supposed second dose then? Vaccines delivered here come in two doses para assured na may second dose ‘yung tao. E di nasayang lang yun? She had the privilege to get vaccinated in the US pala, sana tinapos na n’ya du’n. Nasayang pa ‘yung isang dose. Also, I’m from Manila too and they wont vaccinate you unless you show your Manila vaccination card showing na sa Manila ka rin nag first dose. So how come she got vaccinated?”
Hindi pa rin tumigil ang netizen at tinag na si Manila City mayor Isko Moreno dahil gusto niyang malaman ang sagot.
“@rdrgz.lloyd @iskomorenodomagoso pwede po pala na sa Manila ‘yung second dose kahit hindi dito nagpa first dose? Ano pa po ang use ng Manila vaccination card? As far as I Know it’s required na naka-first dose ka sa Manila, right? Kasi ‘yung vaccines always in two doses. Mayor please respond and enlighten us.”
Ang paliwanag ni @ggbbyy10 kay netizen @liaaagrace_ , “hindi un nasayang kasi nagamit naman n’ya. At initial doses palang ang dumating. May darating pa yan. And A1 ka kamo, so dapat alam mo na dapat Pfizer din ang iturok sa kanya as 2nd dose kasi un ang 1st dose nya. Vaccinated ka naman na, u have 21 days to wait pa for the upcoming doses. Alangan pabalikin mo pa sya sa US just to get her 2nd dose e nandito na sya sa Pinas. So san mo sya papakuhanin if ever ng 2nd dose nya? Hayaan nalang naten na di makumpleto? Besides na-vaccinate ka nman na. Swerte ka na nga Pfizer naturok sau.”
Pero ang concerned ni @liaaagrace_, “@ggbbyy10 yung natirang dose nya ang nasayang, dahil may isang tao na kukulangin ng second dose, dahil lahat ng order ay even numbers palagi dahil dalawang doses nga per tao.
“Plus paano syang nakapag second dose sa Manila? Sa vaccination sites it needs to be in the Manila system na doon ka nag first dose. The point is, hindi sumunod sa sistema
edi sana tinapos na nya sa US. Bakit kailangan Pinas yung mag adjust for her?”
May nagtanggol kay Alice, si @revelynventura, “@liaaagrace_ neng grabe ka nmn she is also a Pilipino na kapag first dose sya s US kc andon sya para kunin ung anak nya at hndi n nya nahintay ang second dose nya kc need n nya umuwi nang Pinas kc may work sya eh pag kc Kung ano ung first dose mo un dn dapat ang second dose ska anong pinagouputok nang butse mo dyan tax payer nmn sya dyan s Pinas hndi privilege yan nagkataon Lang dahil s sitwasyon grave talaga nga Pinoy ang ugali ewan
Pero hindi nagpatinag ang netizen, “@revelynventura huh? Anong grabe dun? Eh sya yung hindi sumunod sa sistema ng Manila vaccination? Clearly sa vaccination sites, kung wala kang record ng first dose sa Manila at walang tatak yung vaccination card mo, hindi ka pwede ng second dose. Bakit pag artista may exemptions? Pinoy sya, Pinoy ka rin, Pinoy rin ako, Pinoy rin ‘yung mga namamatay na hindi nakakuha ng bakuna. Equal citizens lang po tayo so dapat lahat tayo sumunod sa sistema. Kung may isang pagbibigyan, edi dapat pagbigyan lahat diba? Gising na po. Good morning.”
At dito na sumagot at nagpaliwanag si Alice.
“@liaaagrace_ Given your account is private and possibly a troll I normally would not respond, but for the sake of others who are waiting for vaccinations pa, I’ll humor you for their benefit. @revelynventura & @ggbbyy10 already got it right with their responses! Ang Puede ko lng i-add: Our systems serve as a guide, as a general rule; however in cases of extenuating circumstances requiring for eg. someone to return back to their country of origin, shouldn’t our system be flexible? Remove the ‘artista’ or special treatment out of the equation. Paano ka for example if you were in my shoes? What would you do? Ako kasi, inabangan ko po talaga ang pag dating ng Pfizer sa Pilipinas kaya nag-register din ako like everyone; Then shinare ko dito ‘yun sites & link process. Other Kababayans do not need Pfizer and can still get other brands as guided in the public info links provided. Know that everything will work itself out because more vaccines are coming & everyone will get vaccinated. Wala po masasayang. Stay safe @rdrgz.lloyd.”
Sa totoo lang marami pa ring hanash ang netizen na makulit at talagang may panahon daw siyang magsasagot at magtanong sa mga taong nandadaya dahil sa kasalukuyan ay naka-quarantine siya due to Covid-19 exposure kaya nakikita niya lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.