Chito nakumpleto na ang 2 COVID-19 vaccine: 'Wag na kayong matakot magpabakuna | Bandera

Chito nakumpleto na ang 2 COVID-19 vaccine: ‘Wag na kayong matakot magpabakuna

Ervin Santiago - May 20, 2021 - 04:45 PM

KASABAY ng pagpapaturok ni Chito Miranda para sa second dose ng COVID-19 vaccine, nanawagan din siya sa madlang pipol na magpabakuna na rin kapag nabigyan na ng pagkakataon.

Ibinandera ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar sa publiko na sa wakas ay nakumpleto na niya ang dalawang bakuna kontra COVID-19.

Ipinost niya sa Instagram ang kanyang litrato na kuha sa isang vaccination center sa Cavite. Kasama pa niya sa ibinahaging picture ang ilang medical staff na nagbabakuna sa iba pang mga Caviteño.

Aniya sa caption, “Done with my 2nd dose. Again, super efficient, and sobrang hassle-free. Salamat ulit sa LGU ng Alfonso dahil inayos talaga nila ‘yung sistema ng vaccination.

“Hindi lang dahil sa bokalista ako ng Parokya (tulad ng sinasabi ng ibang mga nega-netizens), pero maayos talaga para sa lahat.

“Actually ka-text ko ‘yung isang friend ko na nagpabakuna din kaninang umaga, super hassle-free din nung experience nila,” pahayag ng asawa ni Neri Naig.

Chika pa ni Chito sa kanyang IG post, “Swabe! Ang bilis and hassle-free ‘yung vaccination day today. Nasunod ang mga time sa list. Galing! Super happy mga seniors and ibang tao. Congrats pare!”

Kasunod nito, hinikayat nga ng OPM artist ang kanyang mga tagasuporta na magpabakuna na kapag nakakuha ng pagkakataon at huwag nang matakot.

“Sa mga nag-aalinlangan, ‘wag sana kayong matakot magpabakuna. ‘Wag kang umasa sa Facebook when it comes to getting proper information re the available vaccines sa lugar ninyo.

“‘Wag din kayong basta makinig sa akin. MAKINIG KAYO SA DOCTOR N’YO!!!

“Magtanong kayo sa kanila para maliwanagan kayo kung meron kayong kahit anong pag-aalinlangan pagdating sa pagpapabakuna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Eto na ‘yung matagal nating hinihintay upang makabalik tayo sa lumang pamamaraan ng ating pamumuhay,” ang paalala pa ni Chito sa publiko.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending