Mga Smart subscriber, umasenso sa GigaMania promo
Umasenso at naging milyonaryo ang 21 na masiswerteng Smart subscribers galing sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa kakatapos lang na GigaMania promo.
Ang GigaMania promo ay paraan ng Smart upang magbigay ng pasasalamat at pag-asa sa 72 milyong subscriber nito. Mahigit Php30 million na pa-premyo at freebies ang tampok ng promo mula December 2020 hanggang April 2021.
Nakasali ang mga Smart subscriber sa pamamagitan ng pag-ipon ng GigaPoints sa GigaLife App. Ang GigaPoints naman ay nakuha ng mga subscriber sa tuwing silay ay nagre-register sa mga GIGA promos o nagbabayad ng kanilang postpaid bill.
May 20 winners ng tig-Php1 million, at isang grand prize winner naman ng Php10 million.
Sobrang pasasalamat
“Sobrang nagpapasalamat ako. Hindi ko inaasahang mananalo ako,” sabi ng isang public health worker galing sa Davao na isa sa mga nanalo ng Php1 million. “Nagload lang ako nang madalas sa GigaLife App ayon sa payo ng pamangkin ko.” Siya ay isang Smart subscriber na mula pa noong high school.
Isang kasambahay rin mula sa Negros Occidental ang lubos na nasiyahan nang malaman niyang nanalo rin siya ng Php1 million.
“Tamang-tama ang pagkapanalo ko. Gagamitin ko ito sa pagbili ng mga gadgets na kailangan ng mga anak ko para sa school. Gagamitin ko rin ito pang-ayos ng aming bahay, at magdodonate din ako sa aming simbahan,” sabi niya.
Natupad na hiling
“Super saya ko! Akala ko nanalo ako ng bagong gadget, kaya laking gulat kong malaman na nanalo pala ako ng Php1 million,” sabi ng isa pang nanalo, isang fresh graduate sa Rizal na tumutulong sa kanilang sari-sari store.
Isa pa sa mga nanalo ng Php1 million ay ang isang college student sa Sarangani na nakasali sa GigaMania sa pagregister sa mga GIGA promo para sa kanyang online classes.
“Gamit ang premyo, makakabili na kami ng bagong bangka, at makakaipon na rin para sa pang-aral ng aking mga kapatid. Salamat talaga ang Smart para sa pagtupad ng aking mga hiling,” sabi niya.
Bukod sa cash prizes, lahat ng Smart Prepaid, Smart Bro, at TNT subscribers ay nabigyan ng pagkakataon upang manalo ng instant freebies tulad ng libreng SMS, tawag, at data dahil lang sa paggamit ng GigaLife App.
“Malaki ang pasasalamat namin sa suporta ng lahat ng aming subscribers. Natupad ng GigaMania ang layunin namin na pasayahin at bigyan sila ng pag-asa, lalo na gitna ng mga pagsubok natin ngayon,” sabi ni Jane J. Basas, SVP at Head ng Consumer Wireless Business ng Smart.
“Makaaasa pa ang aming mga subscriber sa maraming exciting at rewarding promos mula sa Smart dahil sa mga plano naming bagong features at perks sa GigaLife app,” dagdag niya.
Ang GigaLife App ay madadownload sa Google Play Store at Apple App Store. Gamit ang app, mas madali nang magregister sa GIGA promos at mamonitor ang data usage ng prepaid subscribers. Maari din gamitin ang app para makita ang plan usage at magbayad ng monthly bill ng mga postpaid subscriber.
Sa tuwing gagamitin ang app sa pagregister sa promos at pagbayad ng bill, makakakuha naman ang mga subscriber ng GigaPoints na magagamit para sa mga libreng data at iba’t-ibang exclusive offers sa app.
ADVT
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.