Arabella tiwala sa pagmamahal ni Jimuel: Hindi ganu’n kahirap yung relationship namin
MAS tumibay pa at mas naging exciting ang relasyon ng young celebrity couple at Star Magic talents na sina Jimuel Pacquiao at Arabella del Rosario.
Ayon kay Arabella, sa kabila ng pandemya at sa patuloy na pagpapatupad ng community quarantine sa bansa, wala naman daw silang nagiging issue o problema ni Jimuel.
“Kami kasi ni Jimuel, we’re very close. We started off as friends tapos we’re very communicative with one another.
“He always reassures naman and he doesn’t give me any reason to doubt anything.
“So hindi naman ganu’n kahirap yung relationship namin. We’re very healthy overall,” pahayag ng Kapamilya youngstar sa isang panayam.
Very supportive boyfriend din daw ang anak ni Sen. Manny Pacquiao kaya nagpapasalamat siya sa binata sa lahat ng suporta, tiwala at pagmamahal na ibinibigay nito sa kanya.
Tulad na lang daw sa bago niyang endorsement, talagang super happy si Jimuel nang malaman ang tungkol dito, “He’s very happy for me. Very supportive boyfriend naman siya sa akin. He said to do my best and kaya ko daw ‘to. Sabi niya you should believe in what you endorse.
“Siyempre kailangan mo i-try and you have to really believe and walk the talk talaga kasi if you don’t really believe in the product, it really does show. So kailangan talaga naniniwala ka sa product hindi lang basta-basta,” pahayag pa ng dalaga.
Nagbigay din siya ng love advice para sa lahat ng tulad nilang young couple, “Ang masasabi ko talaga du’n is put God in the center of your relationship kasi pag yun yung nangyari everything will follow.
“And use each other as an your inspiration to set goals like finishing your studies. That’s very important. So you have to set goals together and put God in the center of your relationship,” lahad pa ng dalaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.