John Lloyd tuloy na ang pagbabalik-showbiz; pumirma na ng kontrata sa talent agency ni Maja | Bandera

John Lloyd tuloy na ang pagbabalik-showbiz; pumirma na ng kontrata sa talent agency ni Maja

Ervin Santiago |May 16,2021
facebook
share this

John Lloyd tuloy na ang pagbabalik-showbiz; pumirma na ng kontrata sa talent agency ni Maja

Ervin Santiago - May 16, 2021 - 04:17 PM

MAKALIPAS ang halos apat na taong pamamahinga sa pag-arte, mukhang tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik ni John Lloyd Cruz sa mundo ng showbiz.

Kumpirmado na ang pagpirma ng kontrata ng award-winning actor at Box-Office King sa Crown Artist Management Inc., ang talent agency ng actress-dancer na si Maja Salvador.

Sa isang maikling video clip na ipinost ng CAM sa kanilang social media account, makikitang bumaba ang aktor mula sa isang private jet saka sumakay ng kanyang bonggang yellow car.

“We are happy to share with you the CAMback of the one and only John Lloyd Cruz, now under Crown Artist Management (CAM). As long time friends in and out of the industry, Maja and JLC will now be helping each other in this stage of their careers.

“CAM will now be in charge of all his inquiries after his long hiatus. We are sure that a lot of his fans are anticipating this, so the time has already come. THE JOHN LLOYD CRUZ is back!” ang nakalagay sa caption ng Instagram video ng CAM.

Sa ilan namang litrato na ibinahagi ng talent management ni Maja,  kitang-kita ang kaligayahan ng aktor sa muli niyang pagsabak sa pag-arte.

Bumuhos naman ang mga positibong mensahe at comments mula sa mga netizens at loyal fans ni LLoydie na excited na uling mapanood siya sa telebisyon at pelikula.

Umaasa sila na anytime soon ay bibida na uli ang aktor sa iba’t ibang proyekto. Request pa nga ng fans, sana raw ang unang maging project niya ay ang reunion movie nila ni Bea Alonzo o ni Sarah Geronimo.

Kung matatandaan, taong 2017 nang pansamantalang iwan ni John Lloyd ang mundo ng showbiz. Ito yung panahon na nagsama sila ni Ellen Adarna na nagbunga nga ng isang supling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending