B-day message ni Kris kay Miles: 24 naging nanay ako, utang na loob ‘wag mo akong gayahin...please! Bandera

B-day message ni Kris kay Miles: 24 naging nanay ako, utang na loob ‘wag mo akong gayahin…please!

Ervin Santiago |May 03,2021
share this

B-day message ni Kris kay Miles: 24 naging nanay ako, utang na loob ‘wag mo akong gayahin…please!

Ervin Santiago | May 03,2021 - 01:32 PM

SINORPRESA ng mag-inang Kris Aquino at Bimby ang Kapamilya young actress na si Miles Ocampo para sa kanyang 24th birthday last Saturday, May 1.

Mismong ang Queen of All Media ang nagbahagi sa kanyang Instagram account ng naging kaganapan sa bonggang surprise nila kay Miles with matching cake, balloons and bouquet of roses.

Mapapanood sa video na ipinost ni Kris ang naging reaksyon ng dalaga nang matanggap ang mga regalo sa kanya ng mag-ina na naging kapamilya na rin niya mula nang magkasama sila ni Tetay sa seryeng “Kailangan Ko’y Ikaw” noong 2013.

Mensahe ni Kris kay Miles, “We love her, and I sent this. I think I’m allowed to read this. Ito ‘yung birthday message ko sa kanya… ‘Ate, I’m about to sleep so hindi aabot sa midnight.

“When you became my daughter in our teleserye, little did I know that after eight years, in real life you really would be someone I considered as my daughter.

“You bring so much love and appreciation into my life and Bimb’s life. You remind us to be grateful. You show me that I have so much more love in my heart to give.

“You made me happy to take care of you because you express to all of us how thankful you are, and never we felt that you abused our generosity.

“For the rest of your life, you are MCA, Miles Cojuangco-Aquino. I love you, ate. Never doubt that. Through it all we are already family. We love you. Happy 24th birthday,” pahayag pa ng award-winning TV host.

Ito naman ang birthday wish niya kay Miles, “I just have one… dapat lumabas ‘to in its entirety. 24 naging nanay ako. Utang na loob ‘wag mo ‘kong gayahin. Please.

“Mag-aral. Kasi lahat po ng videos that we put out doon sa interview with Bimb, she edited that.

“And so she really has an eye, so I feel that it’ll start with editing and I know that she could become one of the really good directors kasi she started as a child actress. So dapat ipagpatuloy niya ‘yun,” diin pa ni Kris.

Nitong nagdaang February, sinorpresa rin ni Miles si Kris sa 50th birthday nito. Sa kanyang Instagram post kasama sina Tetay at Bimby, muling ipinahayag ng dalaga ang pagmamahal at pagrespeto niya sa kanyang nanay-nanayan sa showbiz.

“From being my nanay Roxanne 8 years ago til now, thank you for loving me. Thank you very much for everything, tita Kris. I love you always,” pahayag ni Miles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending