Ilang dayuhan, pinayagan nang makapasok sa Pilipinas Bandera

Ilang dayuhan, pinayagan nang makapasok sa Pilipinas

share this

Ilang dayuhan, pinayagan nang makapasok sa Pilipinas

| May 01,2021 - 09:55 PM

Pinapayagan na ng Inter-Agency Task Force na makapasok sa bansa ang ilang foreign nationals simula sa Mayo 1, 2021.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangan lamang na mayroong valid visa ang mga dayuhan sa panahon na papasok sa Pilipinas maliban na lamang ang mga kwalipikado sa Balikbayan Program.

“These foreign nationals must likewise have a pre-booked accommodation for at least seven (7) nights in an accredited quarantine hotel or facility and they must subject to COVID-19 testing at the quarantine hotel / facility on the sixth (6th) day from the date of arrival. In addition, they are subject to the maximum capacity of inbound passengers at the port and date of entry,” pahayag ni Roque.

Gayunman, sinabi ni Roque na patuloy pa ring umiiral ang travel restrictions sa mga biyahero na galing ng India o mayroong history ng pagbiyahe sa naturang bansa.

“All these are without prejudice to immigrations, rules and regulations. The Commissioner of Immigration shall have the exclusive prerogative to decide on the waiver or recall of exclusion orders of foreign nationals, subject to regular reporting to the IATF Secretariat,” pahayag ni Roque.

Ayon kay Roque, para masiguro na magiging maayos ang implementasyon ng bagong panuntunan ng IATF, inatasan na ang Bureau of Immigration na bumalangkas ng mga kaukulang guidelines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending