Kaye Abad kumikita lang ng P800 noon kada taping; nagbigay ng tips sa mga gustong mag-artista | Bandera

Kaye Abad kumikita lang ng P800 noon kada taping; nagbigay ng tips sa mga gustong mag-artista

Ervin Santiago - April 25, 2021 - 09:45 AM

KNOWS n’yo ba na P800 lamang ang talent fee noon ni Kaye Abad sa Kapamilya comedy show na “Ang TV” tuwing Sabado.

Kuwento ng aktres, halos wala rin daw siyang naiipon sa kanyang kinikita sa pag-aartista noong kabataan niya dahil sa nagagastos din nila ito sa pagpunta sa taping.

Ayon kay Kaye, sa P800 na kita niya every Saturday doon na niya kinukuha ang pambayad sa gas ng kanilang sasakyan pati na ang mga outfit na ginagamit niya sa taping ng “Ang TV.”

Sa panayam sa aktres ng kaibigan niyang si Paolo Contis sa online show nitong “Just In”, sinabi nitong wala siyang pinagsisisihan sa pagpasok sa showbiz noong bata pa siya.

“Walang pagsisisi. Kasi I started not so young, not like you. I started 13 already, so wala ako masyadong na-miss.

“Nakapaglaro pa rin naman ako with my friends sa village, yung mga ligo-ligo sa ulan, nagawa ko yon. No regrets at all,” pahayag ng aktres na unang sumikat sa youth-oriented drama series na “Tabing Ilog” kung saan nakatambal niya si John Lloyd Cruz.

Sabi pa ni Kaye, “Pati yung career path ko noon gradual lang. Hindi yung super sikat, pero hindi rin naman yung walang trabaho. So, swabe siyang tumakbo.

“Hindi katulad nu’ng iba na nag-start pa lang sikat agad tapos bumagsak, nag-struggle. Wala akong regret sa tinakbo ng career ko at sa showbiz,” aniya pa.

Inamin din ni Kaye na may pagkakataon ding parang nagdadalawang-isip na rin siyang mag-showbiz, “Dati kasi ayoko talaga mag-artista dahil do’n sa oras ng trabaho.

“Pero ngayon, siyempre nagbago naman na. Kasi aminin na natin ang show business nakakabaliw siya… mahirap,” pahayag pa ni Kaye.

Ito naman ang advice ng celebrity mom sa lahat ng mga nais mag-artista lalo na sa mga kabataan, “Lagi kong sinasabi sa mga gustong mag-artista, it’s not all about fame. It’s not all about earning money.

“Kasi pag nagtatanong ako, ‘Bakit mo gusto mag-artista?’ ‘Kasi gusto ko pong makatulong sa pamilya ko.’

“Hindi lang yon ganu’n, di ba? Laging ganu’n, eh. Sabi ko talaga, kung hindi mo gustong umarte, wala kang patience, you will not survive.

“Hindi ka magtatagal kasi mahirap mag-artista. Kasi akala nila masarap yung fame. Akala nila yung pag-arte madali lang. Hindi siya madali,” diin ni Kaye.

Dugtong pa niya, “Kung gusto niyong mag-artista, make sure you love to act. You study. Pag-aralan mo yung pag-arte. Hindi madali yung ginagawa namin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung gusto niyong makatulong sa pamilya n’yo, magtrabaho kayo. May ibang ways. Kasi feeling ng mga tao easy money ang showbiz, eh,” lahad ng aktres.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending