TIYA PUSIT pumayag nang pakasal sa bagets at gwapong boyfriend
I READ an item sa Yahoo that our dear friend Tia Pusit is set to marry her long-time boyfriend who works as an IT specialist sa isang call center sa Makati.
Eto na ang tunay na May-December affair – Ha-hahaha! Kasi nga, Tia Pusit is already 65 years old while the guy she’s marrying is just 27.
Ito na rin ang patotoo sa kasabihang “age doesn’t matter” and it should not matter naman talaga. Hindi kasi puwedeng turuan ang puso and I believe so too.
Nakakatuwa ang love affair ng kaibigan nating si Tia Pusit dahil nagkakilala lang sila ng guy via Facebook. Ang unang balak ni Tia Pusit ay makahanap ng foreigner dahil mas stable nga naman pag foreigner ang maging dyowa niya and should the man decides na dalhin siya sa abroad para manirahan, ready na raw siya.
Pero ang ending, sa isang guwapong bagets siya napunta and take note – yung bagets pa ang nag-a-adjust sa mga kadramahan ni Tia Pusit sa buhay.
Very non-showbiz kasi ang lalaki at nakiusap ito kay Tita Pusit na huwag lang siyang kaladkarin sa mga lakad niya sa showbiz dahil he is a very private person.
Matagal nang napabalita ang love affair na ito ni Tita Pusit. If my memory serves me right, this is the same guy na naging sentro ng biruan sa mundo ng kabaklaan nang pumutok ang balitang itinakbo si Tia Pusit sa hospital nu’ng mag-tienes sila one time.
Sobra raw kasing “biggy” si lalaki kaya hindi kinaya ni Tia Pusit ang “first time” nila. Maraming bakla ang nainggit sa komedyana dahil super-gifted daw ang mhin.
Kaya lang for a while ay medyo nanlamig daw ang relasyon nila dahil ayaw na ayaw pala ng boyfriend niyang nakakaladkad ang name niya sa showbiz kaya in a way ay nag-adjust na rin si Tia Pusit – na huwag na ngang i-display pa ang dyowa niya sa mga showbiz affairs niya.
At ngayon ay magkasundong-magkasundo nga silang dalawa. Naipakilala na (noon pa man!) ng lalaki si Tia Pusit sa family niya at kilala na rin daw ng mga anak ni Tia Pusit ang taong muling nagpatibok ng kaniyang puso.
Natatawa nga lang daw si Tia Pusit – hindi raw nila alam kung ano ang itatawag niya eventually sa mga magulang ng lalaki dahil mas matanda pa raw siya sa mga ito.
This time ay handa na rin daw si Tia Pusit sa pagdating ng panahong baka maghanap ng anak ang kaniyang magiging asawa dahil, siyempre, at 65 ay imposible na siyang mabuntis.
Pero ready na raw siya pag nangyari ito. Ang mahalaga para sa kaniya ay ang ngayon when she is happiest. In fairness, mahirap talaga maghanap ng isang lalaking may sariling kita para magmahal ng someone more than doubled sa edad niya, ha.
I may say that mapalad si Tia Pusit to find someone who truly loves her despite the age disparity. Kakainggit talaga – aminin natin iyan.
Guwapo, gifted and stable – almost a perfect man, ha. Teka lang Tia Pusit – saang site sa FB mo siya nakilala? Bakit hirap na hirap kaming makakita ng ganyan. Ha-hahaha! Joke! Joke! Joke!
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.