#NakakaProud: Pinoy BTS at EXO fans nagtayo na rin ng mga community pantry | Bandera

#NakakaProud: Pinoy BTS at EXO fans nagtayo na rin ng mga community pantry

Ervin Santiago - April 21, 2021 - 02:23 PM

SA kabila ng mga isyu at kontrobersya na ibinabato sa pagtatayo ng community pantry sa iba’t ibang bahagi ng bansa, tuloy pa rin ang pakikiisa ng maraming Pinoy sa bayanihan project na ito.

Bukod sa mga celebrity at mga ordinaryong residente na nagbibigay ng donasyon sa mga itinayong community pantry, nakipagbayanihan na rin ang mga fans ng sikat na K-pop group na BTS at EXO.

Mismong ang mga ito ang nag-set up ng sarili nilang community pantry sa Cavite at Malabon bilang tulong pa rin sa mga kababayan nating naghihirap at hindi pa rin makapagtrabaho dahil sa coronavirus pandemic.

Sa Facebook, tulung-tulong ang  ARMY Cavite Fanbase sa pagtatayo ng kanilang community pantries sa Dasmariñas, Cavite partikular na sa Windward Hills Subdivision at Manuela Ville Subdivision.

Sa isang panayam, sinabi ng isang miyembro ng ARMY Cavite Fanbase na ginagawa nila ito dahil na-inspire sila ng kanilang mga K-pop idols na kilala rin sa pagtulong sa mga charitable institutions.

“Ito po ang naisip naming way para makapagbigay ng tulong, pag-asa, at ngiti sa aming kapwa Pilipino dahil alam din po naming mahirap na para sa lahat ang maghanap buhay sa kalagitnaan ng pandemya,” ang pahayag ng nasabing BTS fan.

Samantala, ang EXO supporter namang si Kristine Santos ay naglagay din ng  kanyang community pantry sa Brgy. Maysilo sa Malabon bilang munting tulong sa kanyang mga kabarangay.

In fairness, nilagyan din niya ng mga posters at mini-standees ng mga EXO members ang pantry para magbigay ng dagdag-good vibes sa mga kukuha ng food supply sa kanila.

Pero paalala ni Kristine, “Hindi po kasama ang poster. Get only what you need and share what you can.”

Nakatutuwang isipin na sa kabila ng matinding hirap at sakripisyong dinaranas ng bansa dulot ng pandemya at napakarami pa ring Pinoy na handang tumulong sa kahit maliliit na paraan lamang.

Isa naman sa mga unang celebrities na nagtayo rin ng community pantry ay ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia.

“Posting this with nothing but pure and good intentions. This is to inspire everyone that despite the situation, we can all help each other in our own little way.

“Thank you to our small community for making this possible! Thank you also to everyone who stopped by to drop their donations. May God Bless you more!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“To all the community pantries, SALAMAT SA INYO! Keep going! God bless your pure hearts! Tayo tayo ang magtulungan,” aniya sa caption ng ipinost niyang litrato sa IG ng pantry na sinet-up ng kanyang pamilya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending