Alessandra inokray si Duterte; nakipagsagutan sa DDS vlogger na tumawag sa kanya ng laos Bandera

Alessandra inokray si Duterte; nakipagsagutan sa DDS vlogger na tumawag sa kanya ng laos

Ervin Santiago |April 14,2021
share this

Alessandra inokray si Duterte; nakipagsagutan sa DDS vlogger na tumawag sa kanya ng laos

Ervin Santiago April 14, 2021 - 10:56 AM

NAKIPAGSAGUTAN si Alessandra de Rossi sa isang vlogger matapos siyang tawaging laos at epal dahil sa muli niyang pagbanat sa Duterte administration.

Niresbakan kasi ng kilalang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Banat By si Alessandra matapos itong mag-post sa Twitter ng kanyang saloobin sa patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Nanawagan ang award-winning actress sa pamahalaan na magkaroon ng kongkreto at maayos na plano para sa kaligtasan ng buhay ng mga Filipino sa gitna ng pandemya.

Ibinandera ni Alex ang kanyang mensahe sa socmed matapos ngang hindi magpakita nang ilang araw ang Pangulo sa sambayanang Pinoy habang patuloy ang paglobo ng bilang ng mga tinatamaan ng virus.

“STOP TAKING FILIPINOS FOR GRANTED! yes, resilient tayo, and very understanding, pero may hangganan ang lahat,” unang tweet ni Alex.

“Ang dami naming kayang ibigay. May mga pangarap din at pamilya. Don’t take our lives for granted! Tulong. We need support. Not sports. Ay natweet,” dugtong pa niya.

Kasunod nito, nag-post uli ang aktres sa Twitter ng tila pang-ookray uli kay Duterte nang ipakita ng Malacañang ang litrato at video ng Presidente habang nagmo-motor at naglalaro ng golf.

Hirit ni Alessandra, “11k cases naman. ‘Di bumababa (crying face emojis). Lord, heal us and lead us. Golf muna ako?”

Maraming kumampi sa dalaga sa patutsada niya kay Duterte pero may mga kumontra rin sa kanya at nam-bash, kabilang na ang mga DDS.

Isa na nga riyan si Banat By na nagsabing, “Mahirap talaga pag wala ng project at laos na. Kailangan ng umepal lagi at magpapansin sa social media. Sige tweet pa baka sakaling mabuhay ang patay mong career. Tweet muna ako.”

Pinaniniwalaan namang resbak ni Alex sa vlogger ang bago niyang tweet na, “Mas malala kung may project ka tapos iiwan mo lang sa ere. Di ako tumatanggap since feb last year, para sa bayan. Bored ako! Buti nga nag-golf ako. Para yun lang.”

Sinundan pa niya ito ng, “Sa ikakapanatag ng loob nyo, 2 trabaho tinanggihan ko in less than 24 hours. Hindi ko na isasali dyan yung last week. Mas marami pa.”

Ipinost din ni Alex ang pakikipagpalitan niya ng mensahe sa isang kakilala na nagtatanong sa kanya kung gusto na niyang magbalik-trabaho at kung game na siya sa lock-in taping pero tinanggihan nga niya ito nang bonggang-bongga!

Kamakalawa, muling humarap ang Pangulo sa madlang pipol at nagpaliwanag kung bakit MIA o missing in action siya nang ilang araw.

“Noong nawala ako ng ilang araw, talagang sinadya ko ‘yun. Ganoon ako eh, kapag kinakalkal mo ako, lalo akong, parang bata? Kapag lalo mo akong kinakantyawan, eh mas lalo akong gumagana.

“Kaya ako nakaka-swing ng golf (club), tapos nagmo-motor, kasi kaya ko pa. The problem is you should look into the time I enjoy my hobbies. Gabi ‘yun, ano ba naman. Sa araw makita mo ako nag-golf…sabihin may problema,” aniya pa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending