Aiko nag-walkout sa shooting matapos nakawan ng halik ng kaeksenang aktor Bandera

Aiko nag-walkout sa shooting matapos nakawan ng halik ng kaeksenang aktor

Ervin Santiago |April 08,2021
share this

Aiko nag-walkout sa shooting matapos nakawan ng halik ng kaeksenang aktor

Ervin Santiago | April 08,2021 - 09:24 AM

NAGAWA nang mag-walkout ni Aiko Melendez sa shooting dahil sa tindi ng pagkaimbiyerna niya sa isang kasamahan niyang artista.

Naikuwento ito ng Kapuso actress nang sumabak sila ng kaibigang si  Maricar de Mesa sa isang challenge kung saan kailangan nilang sagutin ang mga nakaiintrigang tanong tungkol sa kanilang personal life at career.

Sa bagong vlog ni Maricar, kumasa si Aiko sa hamon ng kapwa niya aktres sa “Guilty or Not Guilty” game. Dito, talagang nagpakatotoo ang magkaibigan sa pagsagot sa mga controversial questions.

Sa isang tanong sa kanila, napa-throwback pa si Aiko noong ginagawa niya ang isang proyekto kung saan nakatrabaho niya ang isang pasaway na celebrity.

Inusisa kasi sila ni Maricar kung na-bad trip na sila habang nasa taping o shooting o kung nag-tantrum na sila habang nasa work.

Sagot ni Aiko, “Ay, guilty. May reason kung bakit ko ginawa ‘yun. Kaya ko ginawa ‘yun kasi gusto kong turuan (ng leksyon) ‘yung isang artista na laging late. Pinaghihintay mo lahat.

“‘Yung mga crew, yung production. Just because mababa ‘yung mga crew sa atin, that doesn’t give you the license to be late on the set,” paliwanag ng aktres.

Nag-walkout na rin daw siya sa isang shoot, “Ang dami ko nang napagdaanan sa showbiz. Nag-walkout ako kasi, Diyos ko, sasabihin ko pa ba ito? Kasi may nag-steal ng kiss sa akin na katrabaho ko.”

Hirit na tanong ni Maricar, “Hindi mo type?”

“Hindi ‘yun, mare eh. Ang usapan namin, ‘yung kissing scene namin, daya. Pero ang ginawa niya, hinalikan pa rin niya ako, so nag-walkout ako,” pag-alala ng award-winning actress.

Hindi binanggit ni Aiko kung sino ang mga taong tinutukoy niya pero ibinulong niya kay Maricar ang pangalan ng co-star niya na magnanakaw ng halik.

Reaksyon naman ni Maricar nang malaman kung sino ito, “Baka mag-walkout din ako.”

Samantala, sa nasabi ring vlog, ipinahayag ni Maricar kung gaano siya kasaya sa catch up session nila ni Aiko makalipas ang ilang taon nang hindi nila pag-uusap.

“Mare, tayong dalawa nagkaalaman na kung anong changes natin. We need to catch up more na walang camera,” sey ni Maricar.

Kung matatandaan, inamin ng dalawang aktres na nagkaroon nga sila ng hindi pagkakaunawaan noon at muli lamang silang nagkita at nagkasama noong gawin nila ang isang episode sa Kapuso drama anthology na “Tadhana.”

Hindi na binanggit pa ng dalawa kung ano ang rason sa likod ng kanilang dedmahan noon. Basta sabi nila, ang mahalaga, naibalik na ang kanilang friendship.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending