Aiko umaming nagbayad nang makipag-date noon sa lalaki; dyuminggel na rin daw sa pool | Bandera

Aiko umaming nagbayad nang makipag-date noon sa lalaki; dyuminggel na rin daw sa pool

Reggee Bonoan |March 25,2021
facebook
share this

Aiko umaming nagbayad nang makipag-date noon sa lalaki; dyuminggel na rin daw sa pool

Reggee Bonoan - March 25, 2021 - 06:55 PM

“PENGENG pang-tuition. Hindi joke lang. Ha-hahaha!” ang birong sabi ni Aiko Melendez sa tanong ng BFF niyang si Maricar de Mesa kung nasubukan na niyang gumastos sa ka-date niya noong araw.

Ang topic sa latest vlog ni Aiko sa YouTube channel niya ay “Never Have I Ever With Maricar De Mesa.”

“Never have I ever gone on a date with no intention of paying for it” ang isa sa mga tanong at ang sagot ni Maricar ay, “Never naman lalo na pag first date I always offer like take out my credit card.
“Pero lahat naman in fairness, lahat ng na-date ko in my life walang nagpabayad or nag-KKB (kanya-kanyang bayad), so yes!” sabi pa ng aktres.

“Winner ka do’n,” saad ni Aiko.

“Ay bakit sa ‘yo may pinabayad ka?” balik-tanong ni Maricar sa kaibigan.

“Meron. Kung credit card nilalabas mo, ako tseke. Ha-hahaha! Penge pang-tuition, ah? Hindi joke lang!” nakatawang sabi ni Aiko.

Dagdag pa, “Sa ‘yo older (dine-date), ako younger. Ha-hahaha! (sabay takip ng bowl sa mukha).”

“Ito kasi ang hilig sa guwapo,” sabi naman ni Maricar kay Aiko.

Mabilis na sagot naman ng aktres, “Dati, pero si VG (Vice Governor Jay Khonghun) cute.”

Hirit ulit ni Maricar, “Ikaw nagbayad (date) lahat?”

“Oo, baka kasi hindi naman siya handang magbayad,” sabi pa ni Aiko.

Hmmm, isa-isa naming inalala ang mga naging ex-boyfriend ni Aiko na nabalita lang maliban kung showbiz kaya hindi nasulat.

Sa tanong na, “Never have I ever urinated in a swimming pool as an adult” sagot ni Maricar, “I have, sabi ko pag mainit na layo-layo kayo.”
Pag-amin ni Aiko, “Ako I have kasi di ba swimmer ako kaya alam n’yo na kung bakit ako nanalo dati (sabay tawa). Ito pa si Maricar sisihin niya ang anak niya, ‘it’s my daughter who pee,’ pero siya talaga.”

Sunod na tanong, “Never have I ever quietly farted at work and left the room, sagot ni Maricar, “At work lang? I have! Bakit ba ako proud?  Oo naman mapipigilan mob a ‘yun?”

“Ako I have!” sabi ni Aiko. “Saka ako, may rason ako ang daming gas ng tiyan ko. Saka pa-deadma ako, ‘o sino ‘yun (umutot).”

“So ibinibintang mo sa ibang tao? Ang galing mo talagang umarte! (tawa naman nang tawa si Aiko).  Idol ko ‘to, eh sa aktingan kaya nu’ng nalaman kong makakatrabaho ko talagang pinaghandaan ko, two days akong hindi lumabas ng kuwarto,” pagtatapat ni Maricar.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Marami pang revelations kina Aiko at Maricar na mapapanood sa YT channel ng una.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending