Miss World PH walong korona na ang igagawad | Bandera

Miss World PH walong korona na ang igagawad

Armin P. Adina - March 24, 2021 - 08:00 PM

Reigning Miss World Philippines Michelle Dee/ARMIN P. ADINA

Inihayag kamakailan ng Miss World Philippines (MWP) organization na katuwang na nito ang bagong pandaigdigang patimpalak na Miss Environment International sa India, kaya naman aabot na sa walo ang kabuuang bilang ng mga titulong igagawad nito.

Maliban sa titulong Miss Environment Philippines at pangunahing koronang Miss World Philippines, pipiliin din sa patimpalak ang susunod na Miss Supranational Philippines, Miss Eco Philippines, Miss Eco Teen Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Multinational Philippines, at Miss Philippines Tourism.

“We are still negotiating with an international tourism pageant for our Miss Philippines Tourism,” sinabi ni Mercado sa Bandera sa isang eksklusibong online interview.

“For some, eight crowns are too many. For us, we want more Filipino women to have the chance to represent our beautiful country internationally,” pinaliwanag niya.

Maliban dito, ang MWP rin ang nagbibigay ng pagkakatoang maging reyna sa mas malawak na bahagi ng populasyon dahil sa pagtanggap nito ng mga aplikanteng may gulang na 16 taon hanggang 28 taon.

Balak ng MWP na itanghal ang patimpalak nito sa Hunyo. Hindi natuloy ang edisyon nito noong 2020 dahil sa pandmeya.

Isinantabi rin ng Miss World, Miss Supranational, Miss Eco International, at Miss Multinational pageant ang mga edisyon nila para sa 2020 dahil sa pandaigdignag krisis pangkalusugan.

Kasalukuyan nang gumugulong ang Miss Eco International sa Ehipto, at magtatapos ito sa Abril 6, habang sa Dis. 16 naman idaraos ang ika-70 edisyon ng Miss World sa Puerto Rico.

Sinabi ni Mercado na sa Hunyo na itatanghal ang Miss Multinational pageant, kung saan ipadadala si Isabelle de Leon na kinoronahan noon pang 2019.

Para sa 2021 Miss World Philippines pageant, tatanggapin ang mga aplikante hanggang Marso 31.

“As of today, we have not adjusted or moved the deadline,” ani Mercado.

Para sa application form at kwalipikasyon, pumunta sa opisyal na Facebook page ng MWP.

“We are looking for candidates who are beautiful inside and out, genuine, authentic, confident, someone we can easily work with, and someone who is ready and willing to help and do charity,” ani Mercado.

Reigning Mister World Philippines JB Saliba/ARMIN P. ADINA

Kasalukuyan ding tumatanggap ng mga aplikante para sa Mister World Philippines.

Hinahanap ang mga kandidatong guwapo at may magandang pangangatawan, “athletic, or can excel in physical activities, confident, articulate, and willing to do charity work,” ani Mercado.

Balak ng MWP na gawin ang Mister World Philippines bilang segment sa isang noontime variety show kaya wala pa itong deadline.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban sa pangunahing titulong Mister World Philippines, igagawad din sa patimpalak ang mga titulong Mister Supranational Philippines at Mister Tourism Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending