Juday muntik nang sumuko sa love: Kasi parang feeling ko, ‘hay lagi na lang akong naloloko' | Bandera

Juday muntik nang sumuko sa love: Kasi parang feeling ko, ‘hay lagi na lang akong naloloko’

Ervin Santiago |March 19,2021
facebook
share this

Juday muntik nang sumuko sa love: Kasi parang feeling ko, ‘hay lagi na lang akong naloloko’

Ervin Santiago - March 19, 2021 - 09:29 AM

WALA pala talagang plano noon ang Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos na magpakasal.

Ang gusto lang daw niya ay ang magkaroon ng mga anak dahil nga sa nasaksihan niyang mga failed relationship sa kanilang pamilya.

Sabi ni Juday, bago raw niya makilala ang mister niyang si Ryan Agoncillo ay okay lang sa kanya ang magka-baby kahit walang asawa. Feeling niya kasi that time kaya niyang mabuhay mag-isa basta’t may sarili siyang anak.

“My mother had a failed relationship with my dad. My sister had a failed relationship as well.

“And I have friends na medyo hindi maganda mga experience nila sa mga asawa nila. Kaya feeling ko hindi ko kailangan ng asawa,” pahayag ni Juday sa pakikipagchikahan niya sa celebrity doctor na si Aivee Teo na mapapanood sa vlog nito sa YouTube.

Pag-amin pa ng award-winning actress, nang makilala na niya si Ryan, wala na raw sa isip niya ang pagpasok sa seryosong relasyon matapos ngang masaktan nang ilang beses sa pagsugal niya sa pag-ibig

“Labas-labas na lang with friends. May makipag-date, e ‘di okay. Ganu’n na lang. Kasi parang feeling ko, ‘hay lagi na lang akong naloloko,’” aniya pa.

Ngunit sa pagdaan daw ng panahon, naging seryosohan na ang lahat sa pagitan nila ni Ryan hanggang sa yayain na nga siya nitong magpakasal at bumuo ng sarili nilang pamilya.

“Sabi ko kay Lord, ‘Lord, ‘di mo naman ako binigyan ng chance magloko nang slight,” tawa nang tawang chika pa ng Kapamilya actress-TV host.

Sa isang bahagi ng kanilang chikahan, nasabi nga ni Judy Ann na ipinagdasal niya na magkaroon siya ng baby sa edad na 26 kahit na hindi na siya ikasal at walang asawa.

“Lo and behold, Lord blessed me with Yohan at the age of 26. Parang sa akin, wala nga akong plano mag-asawa, gusto ko baby lang,” sey pa ng misis ni Ryan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod kay Yohan, biniyayaan pa silang mag-asawa ng dalawa pang anak, sina Lucho at Luna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending