Benjamin Alves naaawa sa mga batang sumasailalim sa online classes
PARA sa Kapuso actor na si Benjamin Alves, hindi makatarungang malaki ang hinihingi ng mga nakatatanda mula sa mga batang nangangapa sa bagong paraan ng pag-aaral.
Lalo ngayong ipinagbabawal pa ang face-to-face classes sa ilalim ng quarantine na ipinatitupad bunsod ng pademyang dulot ng COVID-19.
“We are demanding from young ones an amount of discipline and focus that not even adults can do,” sinabi ni Alves sa Inquirer sa isang virtual conference para sa romantic-comedy series na “Owe My Love” sa GMA Telebabad kung saan niya katambal si Lovi Poe.
Sinabi ng aktor na dapat tiyakin ng pamahalaan na sapat ang ibinubuhos nito para sa edukasyong naaabot ng lahat.
“I could not accept the reason that there is not enough money for this. Our leaders have to move our country forward. One person not getting education is one less person reaching his or her potential,” himutok niya.
“Kudos to the teachers for finding creative ways to teach. They are entering a platform that they weren’t necessarily trained for. I can see their passion for education,” pagpapatuloy pa ni Alves.
Mahalaga para sa aktor ang edukasyon. Nagtapos siyang summa cum laude sa University of Guam na may degree sa English Literature. Siya rin ang napiling ambassador ng GMA Excellence Awards na nilunsad bago tumama ang pandemya.
“It saddens me. We are not able to do with the initiative. We were supposed to travel around campuses, promoting ways to attain excellence,” ani Alves.
Gayunpaman, kinilala ni Alves na hindi lamang sa loob ng silid-aralan nagtatapos ang edukasyon. Ngunit umaasa siya sa pagbabago.
“I don’t think it’s up to the kids to adapt. It’s really up to the people who are supposed to take care of this. It’s not the kids’ responsibility to find creative ways to learn. Education should be accessible,” hayag pa niya.
Mapapanood si Alves sa “Owe My Love” ng GMA Public Affairs na naglalayong magturo ng financial literacy sa mga manonood.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.