REGINE: Isang himala ang paggaling ni MANG GERRY! Salamat po sa DIYOS! | Bandera

REGINE: Isang himala ang paggaling ni MANG GERRY! Salamat po sa DIYOS!

Ervin Santiago - September 01, 2013 - 03:00 AM

HUWAG nang mag-alala ang mga kampamilya at kaibigan ni Regine Velasquez tungkol sa health condition ng kanyang amang si Mang Gerry. Nauna na kasing naibalita na malubha ang kalagayan nito.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ng Asia’s Songbird na mabuti na si Mang Gerry, pero kailangan pa rin itong obserbahan ng mga doktor.

Kuwento ni Regine, sumailalim sa isang operasyon si Mang Gerry, at nagpapasalamat siya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang ama dahil okay na ang kalagayan nito. Sey pa ng misis ni Ogie Alcasid, isang milagro raw ang paggaling ng kanyang tatay na mahigit 70 anyos na ngayon.

Sey ni Regine sa kanyang post,  “Hi guys, marami po ang nagtatanong kung ano ang nangyari kay Mang Gerry…well papa just survived a major operation.

Sa idad po at kalagayan ni papa I have to say that this is a miracle. Sa kabila po ng mga kumplikasyon naitawaid po ng maayos ang operasyon.

Aniya pa, “Wala po talagang imposible sa ating Panginoon. Thank you Lord for giving us another chance to be with papa. Maraming salamat po sa lahat ng nag-alay ng dasal.

Kailangan pa rin po namin ang inyong mga dasal para po sa tuluyang paggaling ni Mang Gerry.  God Bless po!”  Hindi sinabi ng Songbird kung anong klaseng sakit ang dumapo sa kanyang ama.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending